TWO
Drummer's POV
Hindi naman sila umimik-- "What?! Babae ka?!" Sigaw nila pwera kay ma'am at sa mga bagong transferee.
Bakit ang ingay nila?! At isa pa, mukha ba akong lalake sa lagay kong ito? Yea. I forgot. Nag-pagupit nga pala ako. Kaso yung nag-gupit, sobrang iniklian kaya napagkakamalan akong lalake. Tsk!
"May problema ba?" malamig na tanong ko sakanilang lahat. Umiling naman sila bilang tugon.
"You may take your----" naputol yung sasabihin ni maam dahil may nagbagsak ng pinto. Tsk! Attention seeker.
"Mr. Carino bakit mo naman ibinagsak ang pintuan? And you are late again!" sabi ni maam sa kanya. Di 'ko na sila pinagtuunan ng pansin at tumabi nalang sa mga kaibigan ko. Yung mga bago din na mga transferee. Mga kaibigan ko sila at hindi kami pwedeng magkahiwa-hiwalay. Motto ng buhay nila -,-
"Sorry naman maam. Syempre kailangan ng maangas na entrance." rinig kong sabi ng bagong dating.
"E kung hindi kita papasukin dito sa klase ko ngayon? Edi mas maangas yon?" tanong sakanya ni maam.
"A, bakit ngayon ka lang?" Tanong sakin ng katabi ko. Si Paul. Kaedaran ko (18 yrs old)
Bale nasa last row kami. Sa left side ko ay bintana na tanaw na tanaw yung soccer field. Sa right side ko naman ay sina Paul, Jeremy at Emil. Puro lalake sila at wala akong magagawa duon.
"Oo nga. Pinuntahan ka namin sa bahay mo kanina kaso walang sumasagot akala namin tulog ka pa kaya iniwan ka nalang namin at nauna na. Kaso pagdating namin dito wala ka pa." mahabang litanya ni Jeremy. Ang bunso saaming apat.
"Ikaw Emil, wala kang sasabihin?" tanong ko sa katabi ni Jeremy sa right side nya. Si Emil. Partner in crime ni Jeremy.
"Ang daming chikababes dito pero hindi ko gusto." komento nya. Nakalimutan kong babaero din pala yan pero hanggang pagtingin lang sa babae. Ewan ko kung bakit.
Binatukan naman sya ni Paul. "Ayan ka na naman sa pambababae mo. Tumigil ka." saway sakanya. At ibinaling sakin ni Paul ang tingin nya. Masamang tingin.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko sayo babae." sabi nya.
Fine. Kala ko makakaligtas ako e.
"Sa coffee shop malapit dito. Maaga akong nagising kaya pumunta muna ako duon para matulog." sagot ko sa kanya.
"What? Ginawa mo nang tulugan ang coffee shop? A, alam mo naman na delikadong lumabas ka nang mag-isa diba?" say ni Emil. Maka-react kala mo naman may nangyari sakin. Tsk!
"Look girl, nag-uusap yung mga bago sa likod."
"Malay mo nag-gegetting-to-know-each-other lang sila."
"No girl, I think they already knew each other bago pa sila mag-transfer dito."
Napatigil naman kaming apat sa paguusap nang mapansin namin silang lahat na nakatingin samin. Pati si Maam.
"Magkaka-kilala na pala kayo?" sabi ni maam. Napatango naman kaming apat. At tinggal na nila ang tingin saamin. At nagsimula nang magturo.
BINABASA MO ANG
The Drummer and the Campus Prince
Teen Fiction"Ano, tatanggapin nyo ba ang offer ko?" Tanong sakanila nang misteryosang babae. Nagkatinginan muna silang magkakabanda. "Pwede bang pag-usapan muna namin 'yang offer mo?" Sagot ng isa sa kanila. Ang Base Guitarist. "Mahabang panahon na ang ibinigay...