3rd person POV nalang ang gagamitin ko. Ang hirap kasi kapag paiba-iba ng POV e. Anyway, naka-2k reads na pala 'to. Happy 2k reads. Muaps :*
-THREE-
"Magkaka-kilala na pala kayo?" tanong sa kanila ng kanilang guro kaya sabay-sabay silang napalingon dito. Tumango naman sila pwera sa isa.
"A-ah ok." Sabi nito at itinuloy ang pagtuturo. Hindi na sya pinansin ng mga bagong estudyante.
Nang matapos ang klase ay agad lumabas ang apat. Hindi pa sila nakakalayo ay may humarang na sa kanila. Isang babae.
"Hi! I'm Jane." Pakilala ng babae kanila. Babaeng mukhang espasol na kulang na lang ay wig na makulay para maging isa na syang payaso.
Nag-abot ito ng kamay. 'Gusto nyang makipagkamay kami sakanya? ' Sa isip ng kanilang bunso, si Jeremy.
'TSK! Ayan na naman si Jane, umaariba na naman.'
'Hindi man lang mahiya.'
'Nakakita lang ng gwapo parang sinisilaban na agad. Nako nako.'Lahat ng atensyon ay nasa kanila dahil sa babaeng nasa harapan nilang apat. At isa 'yon sa kinaiinis nila lalo na si A o Andrea.
Tatanggapin na sana ni Jeremy ang pakikipagkamay sakanila ng babae nang magsalita si Andrea. "Are you done?" Kaya nalipat lahat sakanya ang atensyon ng mga nakiki-usyoso.
"What?" Gulat na reaksyon ng babae sa tamong nya.
"Are you deaf? I said, are you done?" Tutal gusto nya ng attensyon, ibibigay iyon sakanya ni Andrea.
'Ayan pahiya! Masyado kasi!'
'Mas ok na yan ng malaman kung saan lulugar.'Nakaramdam naman ang mga kasamahan ni Andrea ng hindi maganda. Kaya umawat na sila dito.
"Ah, miss. Pagpasensyahan mo na itong kaibigan namin, nagugutom na kasi. Masamang malipasan 'to ng gutom kaya aalis na kami. Pasenya na. " pagsingit ni Emil bago sumiklab ang apoy. Mukhang uminit din ang ulo ng nag ngangalang Jane.
"Pasalamat ka sa mga kaibigan mo, kung hindi nila ako napigilan, baka kinalbo na kita!" Banta sakanya ng babae. "Sayang, type sana kita kaso nakakaturn off yang ugali mo! Anyways, see you around princes except to you!" May halong landi sa boses nito at umalis na.
'Type nya ko? Iw! Di ako pumapatol sa clown!' Sa isip isip ni Andrea. Kinilabutan talaga sya sa sinabi ng clown na yon (Jane).
"A naman! Pwede bang ipag-mamaya mo 'yang init ng ulo mo?" Sermon sa kanya ni Paul. Ngunit hindi nya ito pinansin at dire-diretsyong naglakad. Wala naman nagawa ang kanyang mga kaibigan at sumunod nalang ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Drummer and the Campus Prince
Teen Fiction"Ano, tatanggapin nyo ba ang offer ko?" Tanong sakanila nang misteryosang babae. Nagkatinginan muna silang magkakabanda. "Pwede bang pag-usapan muna namin 'yang offer mo?" Sagot ng isa sa kanila. Ang Base Guitarist. "Mahabang panahon na ang ibinigay...