Liv

74 2 2
                                    

Lander dela Vega sent you a friend request.

Napangiti ako. Buti naman at gumawa na sya ng FB account, sa pagkakaalam ko, di sya active sa kahit anong social media platform. I clicked on his account.

Lander dela Vega

Lives in Manila, Philippines
Studied at University of Cambridge
Works at La Casa de Esperanza Restaurants
Single

I clicked on his profile picture. It was from a professional shoot, he's wearing a 3-piece suit and he was staring seriously at the camera, businessman na businessman ang arrive. He was handsome, alright. Di natin yan ma di-deny. Lander had that type of charm that could attract anyone of all ages.

I scrolled through his profile and read his very first post.

"Officially joined the bandwagon. Apparently, according to my amazing friends, I've been living under the rock these past few years. Well, I finally took their advice and made an account. I can't wait for all of you to see all of my selfies, #foodporn pictures, and possibly a couple of statuses expressing my utter loneliness and envy of my friends' amazing married lives. Enjoy!"

Napatawa ako, ang cute lang nya.

Micah Alistair Ferrer:
     Malay mo mahanap mo dito ang sugar mommy mo, babes. Rawr!

Alonso Ambrosio:
     Pa-like naman ng profile pic, sexy. ;)

Riley Alex Montemayor:
      Isa ngang selfie dyan, gwaps!

Yohann Ferrer:
       Pa-autograph po. #artistahin #pogiprobs

Lander dela Vega:
       Mga ulol! Leche kayo!

Ang kukulit nilang magbabarkada. For sure, pag buhay pa si Wes, sumali na sya sa kalokohan nila. I clicked the Accept button and logged out of my account.






"Which one do you want, love? Yung blue or red?" tanong ko kay Oli na nakasimangot na naman. Nandito kami ngayon sa mall at namimili ng mga bagong damit nila. Family bonding.

"Ayoko nyan Mommy. Gusto ko nung LEGO!" sagot naman nya.

"Alam mo Oli, you need new clothes kasi you use the same 2 shirts all the time," sabat naman ni Cassie. Napangiti ako.

"I don't care! Wala namang nakakakita eh, kayo lang naman. And plus, we wear uniforms naman sa school."

"Sige na Casseus Oliver. Kahit isa lang, babe? Kita mo si Cassie oh, tapos na sa pamimili." tumango si Cassie at tsaka inakbayan ang kambal nya,

"Come on Oli, after you pick we can go eat pasta na!" panunuyo nya sa kakambal. Tumingin sakin si Oli, napatango nalang ako.

"Sige na nga, yung blue Ma." sagot nya. Itong anak ko na eto talaga, manang mana sa Papa nila, walang kahilig-hilig sa pagbili ng mga bagong damit. It was always something that Wes and I argued about, I kept on telling him to buy new clothes pero he always reiterated na impractical daw at comfortable na sya sa mga suot nya. Napailing nalang ako.



"Anong gusto mong kainin Oli?" tanong ko. We were currently in one of our favorite Italian restaurants, ang sarap kasi ng pasta nila dito.

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon