Intimidating Summer

19 3 0
                                    

Intimidating Summer

Hindi sa pagmamayabang ay pinanganak akong maputi, maganda at cute kaso nga lang mataba ako. Maraming natutuwa sa akin lalo na kapag sumasayaw ako at inaayusan ang buhok ko. Minsan pang may nagsabi na, "Ang ganda mo. Kamukha mo si Mama Mary kaso mataba ka lang." Sa edad kong 'yun, aware na'ko sa hitsura ko, na maganda ako kaso mataba nga lang.

Eight years old ako nang mangyaring may bagong lipat na kapitbahay. Napaka-wierdo nilang magpamilya dahil hindi namin sila naririnig na nag-uusap. Ang panganay at nag-iisang anak nilang si Ate Temmy (narinig ko lang sa isang kapitbahay din), parating malaki ang eyebags. Kung minsan ay nanlalalim ang ilalim ng mata at minsan ay namamaga at nangingitim. Hindi naman sa sinasaktan siya pero parating mukha siyang pagod at stress. Ang dating tahimik na tahanan nila at walang imikan ng mag-anak nila ay nauwi sa isang malagim na trahedya na nagbigay na rin ng pamhabang buhay na takot sa akin.

Nagwawala ang anak na babae ng mag-asawang Dela Cruz. Nagsisigaw ito na parang sinasaktan kahit walang humahawak sa kanya. Sigaw lang ito ng sigaw. "'Wag po! Please! Richard!" sigaw niya. Hinawakan siya ng ama niya para patigilin sa pagwawala pero nagpupumiglas siya. Nasa harap siya ng gate sa subdivision namin. Marami ang lumabas ng mga bahay nila para saksihan kung ano ang sigawang nangyayari.

"Richard, tulungan mo'ko! Araaay!" hinarang niya ang mga kamay niya sa mukha niya kahit walang mananakit sa kanya. Marami ang nagtataka sa nangyayari hanggang sa kusa na siyang tumahimik sa pag-iyak. Lumingon siya sa paligid. Nang makita niyang marami ang nakatingin sa kanya, tumayo siya at nagtatakbong pumasok ng bahay.

Hindi pa doon nagtatapos dahil nasundan pa ang sigawan sa bahay ng mga Dela Cruz. Hindi ko alam ang nangyayari sa loob pero naririnig kong nagwawala ulit si Ate Temmy. May naririnig akong mga nababasag na gamit sa loob. Puro sigawan at iyakan. Gusto kong marinig ng malinaw ang sinasabi nila kaya lumabas ako ng bahay. "Bitiwan mo'ko! Bitiwan niyo ako!" Nabigla ako nang makarinig ako ng boses lalaking sumisigaw. "Bitiwan niyo ako." Unang beses kong marinig ang boses ng mama ni Ate Temmy. Umiiyak ito at sumisigaw para lang mapigilan ang anak.

Nagulat ako nang makarinig ako ng bagay na bumangga sa gate ng kabilang bahay. Maya-maya ay may nakita akong babaeng umaakyat sa gate palabas, si Ate Temmy. Nang makalabas na siya ng bakuran, dumapa ako bigla para makita ko siya. Ang design kasi ng gate ay parang malaking film strips. Nang makalabas na siya, narinig ko siyang tumatawa nang nakaharap sa bahay nila. Boses lalaki ang pagtawa niya katulad ng narinig ko kanina at bigla siyang nawalan ng malay.

"Anak, pumasok ka na." tawag sa akin ni Mama. "Sa loob ka lang, lalabas ako." Sabi niya. Lumabas nga siya at nakita niya sa labas ang magulang ni Ate Temmy na kinakarga si ate mula sa pagkakahiga sa gitna ng kalye.

Kinabukasan ay nagtaka ako dahil maaga pa lang ay umalis na si mama pero pagbalik niya ay dumiretso siya sa bahay ng mga Dela Cruz. Nag-usap sila ng magulang ni Ate Temmy nang magwala itong muli. Nagtawag na sila ng mga kalalakihan mula sa kapitbahay para pigilan si Ate Temmy sa pagwawala ngunit kahit lima o walo pang mga barako ang pipigil sa kanya, lahat sila ay walang laban. Nakasilip lang ako sa gate ng bahay nila habang pinapanood sila sa loob (nakabukas ang main door ng bahay dahil sa dami ng tao sa loob).

Parang napako ako sa kinatatayuan ko nang bigla siyang huminahon at patakbong lumapit sa akin. "Anak?" sabi niya at niyakap ako. Nakaramdam ako ng takot. Gusto kong sabihin na 'hindi mo'ko anak! ' Hinaplos-haplos niya ang buhok ko pati ang mga pisngi ko. Nakaramdam ako ng takot nang makita ko siya dahil sa mga nakikita kong pagwawala niya. "Mama!" sigaw ko habang umiiyak. "Shh... 'wag kang umiiyak. Nandito na si Mama." Sabi niya at niyakap ako. Tiningnan ko ang tunay kong ina na nakaharang ang hintuturo sa mga labi niya. Nababasa ko ang galaw ng labi niya na, "Okay lang 'yan."

Dreadful FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon