JMH: Eto nanaman tayo.. Osha. Magbasa na.
----
-"Psst!''-
Naglalakad ako papunta sa store ni Manang Charot. Para bumili ng Zonrox.
Pinabibili ni Mama saken baka sakaling gusto ko daw inumin. De joke lang. Makasalanan 'yan!
"Manang Charooooooooooot! Pabili pooooooooo!''
"Yes my dear? What is your problem?''
Anong what is your problem? Wala naman ako problema ha. Pa english-english pa si Manang, trying hard naman. Chuuus!
"Oh Manang Harot! I mean, Manang Charot. I would like to buy zonrox so that my enemy will drink that later.'' sabi ko.
Makisabayan na lang sa kalokohan. (=__=)
"Eto na dear.'' sabay abot niya sa akin at nagbayad na.
Umalis na ako ng may marinig akong nag-'pst pst' sa akin.
"PSST!''
Tumingin ako sa likod ko.
OH MY GULAY AMPALAYA PAPAYA!
Si Cruuuuuuuuush! My goooooooshhhhh!!
"Ah Miss, ikaw ba 'yung anak ni Tita Malou?'' tanong niya sa akin. Wow lang ha, kilala pala niya ang Motherlalu ko.
KYAAAAAAAH! Ang gwapo niya talaga. Ang amo ng mukha niya at ang kinis kinis pa. Juskooooo! Mahihimatay ata ako sa harapan niya lalo't naka-smile siya sa akin! HOMAYGAAAD!
Huwag ipakita na nakikilig ka. Kaya mo 'yan!
"Ah. Oo bakit?'' tanong ko.
"A-ano kasi.. Paki sabi na lang na pumunta na lang ang Mama mo sa bahay namin para maka-pili siya ng io-order niyang damit kay Mama.'' tsaka siya nag-smile sa akin.
Nakakatunaw po.
"Ah sige..''
"Nga pala, ako si Andy..'' sabay abot ng kamay niya sa akin habang naka-smile ulit
Sus! Kahit wag mo ng sabihin sa akin pangalan mo. Alam na alam ko na!
Oh my... Kalandian na 'to!
"I'm Margie. Nice to meet you!" (^___^) sabay shake hands. Lambot ng kamay niya!
"Ako rin. Sige, magpapaalam na ako. Ingat ka.''
OO naman! Basta ikaw ingat ka ha! Kung hindi, di bale nandito naman ako by your side and I will take care of you anytime anywhere!
'Yan na dapat sasabihin ko eh. Syempre, hindi ko kaya noh!
"Ikaw rin.'' sabi ko with big big smile pa!
Umuwi na ako sa bahay na tuwang-tuwa na halos mabaliw na dahil sa kilig.
---
'Pag lumalabas ako laging nagha- 'Hi' si Andy sa akin. Ang ganda ng pakiramdam 'pag ka-close mo 'yung Crush na crush mo eh.
Dahil gusto ko siyaa makita, lagi akong bumibili kay Manang Charot. Napapansin rin ni Manang Charot na lagi na lang daw akong bumibili sa kanya kahit isang pirasong candy eh hindi ko pinalagpas. Eh kasi gusto ko makita si Andy eh. Landi lang noh?
Minsan naisip ko..
In love na kaya ako?
Isipin mo naman. Simula bata pa ako.. SIYA na ang crush na crush ko.
Eh ngayon. 22 years na old na ako, feeling bagets pa ang peg ko.
May landi landi pa akong nalalaman. (-____-)
Isang araw dumalaw pa siya sa bahay namin kasama ang Mama niya. Halos nataranta ako at tumingin pa sa salamin para i-check kong maayos ba ang mukha ko. Syempre noh! Kailangan maging maganda ako sa harapan niya.
Naiwan kami ni Andy sa sala habang ang Mama namin nasa kitchen..
"Nagka-boyfriend ka na ba?'' biglang tanong sa akin ni Andy
"Hindi pa,ikaw?May girlfriend ka na ba?''
"Malapit na..''
OUCH! Sakit 'nun ah! Huhuhu! Sino 'yung lucky girl na magiging girfriend niya..
Paano na akoooooo? Huhuhuhuhuhu!
"A-ah g-ganun ba?'' tanging sabi ko na lang.
"Margie...'' tumingin pa siya sa mata ko ng diretso.
HOMAYGAD! Sasabog na ata dibdib ko dito dahil sa lakas ng kabog nito!
"Margie... Kaya kami nandito ni Mama kasi ano..''
''K-kasi ano?'' tanong ko.
"Para ipaalam kung...''
''Kung?''
"Kung pwede ka bang ligawan...''
Pagkarinig ko 'nung sinabi niya halos gusto ko na mag-tumbling o kaya naman tumalon-talon sa tuwa! Grabeneeeeesss! Totoo ba 'to??
Nakatulala lang ako..
Nang biglang nagsalita si Mama.
"Andy, payag na akong ligawan mo si Margie.. Kung papayag din siya.''nandoon lang pala si Mama pati na rin ang Mama ni Andy. Nanonood lang pala sila sa amin sa likod.
"Puwede ba Margie?'' tanong niya sa akin.
SYEEEET!! OO NAMAN ANDY!
"O-oo.'' tanging sabi ko.
"YEEEEEEESS!!''sigaw niya.
Nagsigawan na rin sila Mama.
At bigla niya akong niyakap.
"Gagawin ko ang lahat para mapa-sagot kita..''
"Sinasagot na kita.''
"Thank you. I love you Margie. I really love you.''
"Aishite iru''
''Ano 'yun?'' tanong niya sa akin.
"I love you. Pinasosyal ko lang, japanese ang trip ko ngayon.''
"Hahaha. I love you too.''
THE END.
BINABASA MO ANG
KALOKOHAN! [Collection:One Shot Stories at Ibang mga Kalokohan]
Short Story©ℐustℳyℋobby☠ϟ✰ Walang magawa. Kaya 'yan. Pahabol: Hindi pa po ito tapos. Dahil kung sakaling sapian ng pagkabaliw ang AUTHOR maaaring maka-isip siya ng magandang kwento. (Pwe! Maganda daw) Enjoy! :)