"Lenica? kelan kapa nag patawag nang Lenica? ha Leng?" biglang sumbat ni Kol sa akin, isa sa mga kalaro ko sa football.
Napangiti ako "He just love to call me Lenica eh" Pabebe kong sagot, sinadya ko talaga iyon para ma inip siya sakin. Barahubang ito!
Nakita kong napangiwi sya at bigla nalang silang lahat nagsitawanan Aba't!?
"Hindi ka bagay Leng, masyado kang pabebe ay este pabobo pala"
Hanggang dito pa naman binubully parin ako? -.-"Mga gagong to! tumigil na nga kayu baka umiyak patu" Sigaw ni MJ
Iiyak? over my dead body.. ni minsan hindi ako umiyak dahilan nang binubully ako. Kahit kelan hindi ako iiyak sa mga walang kwentang bagay.
Tumahimik nalang ako.
Lalakad na sana kami pero bago pa mangyari yun ay lumingon ako sa likod para makita si Yhoan. Pero maling ngiti ang nakita ko.
Kay Niko pala.. He is laughing like hell parang wala nang bukas tapos si Yhoan naman parang timang na nakatitig sa kanya. Pinagtatawanan sya siguro nang Niko na yon.Napatingin ako sa mga ngipin niya, Perfect.. napakalinis tignan. Tapos brinrush niya pa ang kanyang buhok gamit ang kanyang kamay.. Gago! ang gwapo pala nang manyak na ito?
Hindi ko nahalata ah, halos dalawang taon na kaming seatmate sa filipino at math.Muli kong ibinaling ang pansin ko kay MJ. She was smiling na halos ma punit na ang kanyang mga labi.
"Punit na ang labi mo! Anu ba'ang ngini ngiti ngiti mo diyan?"
"Hindi kasi, ang gwapo talaga ni Niko at tsaka ni Yhoan" sabi niya habang tinitingnan ang dalawa. Oh ede sya na! Sila na ang gwapo at manyak. Ay Manyak! HAHAHHAHA
Mabilis lumipas ang mga araw, Nutrition month ngayun kaya ibig sabihin may cooking contest na naman ito sa bawat year level.
"Leng!!" napatakip ako sa tenga. Leche! para akong nabingi sa boses ni Fel. Gagang bakla to! Kong maka sigaw"bakit?" Sagot ko din nang naka sigaw. Walang hiya! akala niya di ko sya uurungan?! Hah!
"diba ang sabi ko kahapon sayu bumili ka nang maraming talong! "
Hala patay! nakalimutan ko. Leche bakit ba ang makalimutin ko? -.- nakakaloko naman oh!
Pero bahala siya, busy ako dito sa kakahalo na bweset na suman ito na ang sakit sa braso parang matatanggal na. Masyadong malagkit at hindi dapat hayaang dumikit sa kaldero ang sa ilalim nito baka masunog.
"MAGHANAP KA NALANG NANG TALONG DIYAN BAKLA!!" sigaw ko din ng sabi..
"Hoooy! mga diputa! Mga bingi ba kayo? Bakit kayu nagsisigawan ha??!"
Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko. Halos mabingi din ako sa pagsigaw nang lalaking ito. Lintek! Ipapakain ko sayu 'tung oling !! Kahit kelan talaga baraguho talaga itong si Niko. Eh wala namang ginagawa. Tulog lang nang tulog sa loob nang classroom. Edi siya na ang masipag sa lahat!
"Hoy Leng! anung tinitingin tingin mo? hah?" Sita niyang sabi sakin.
Pucha! nakakawalang mood lang.
Lumapit sya saakin at tinignan kong anung niluluto ko. Tapos inamoy niya ito at tinignan ako.Bakit ganyan sya makatingin? anung kasalanan ko? Nyeta ang bango pa niya. Ang kinis nang mukha, walang ni isang tigyawat na namamahay. Samantalang ako, crowded na masyado. Crowded pa sa tondo na parang squater.
Hindi ko napansin na napangaga na pala ako nang konti. Tapos bigla akong kinabahan naparang lalabas na ang puso ko sa bilis nang pag tibok nito. Leche! anu ba itong nararamdaman ko?!
Muli akong nabalik sa katinuan nang nahulog ang sandok na hawak hawak ko. Gumawa ito nag tunog.
Yumuko ako para kunin ito at nang pag angat nang ulo ko, bigla ko nalang naramdaman na may malambot na bagay na dumampi sa labi ko.
O.O
Napatingin ako sa taong nasa harap ko ngayun. Lintek!
Ngumiti siya na parang demonyo, na matatakot ka talaga. Nagmumukhang manyak na naman siya.
"Ops, sorry not sorry" sabi niya sabay tapon nang ngiting nakaloloko. Tapos tumayo siya at lumakad papasok sa classroom na nakapamulsa.
Anung nangyari!? Anung nangyari!? Lintek!
Nanginginig ang katawan ko sa galit at hiya.
That F*cking guys stole my first kiss!
Waaah! Hind na virgin ang lips koooo! Hindi ito pwedi! Hindi sya deserve! kahit pangit ako at sya si Niko Gale dito sa school. Wala parin syang karapatan na gawin yun! Respeto lang, hindi ko naman sya inaano. Punyetaaaa!
Halos mangiyak ngiyak na ako at hindi ako maka galaw dahil sa sobrang gulat at naririnig ko na ang malakas na pagtibok nang puso ko. Andiyan na naman siya. Hindi ko alam kong bakit ko ito nararamdaman.
"Champion, Junior!" Napasigaw lahat nang classmates ko maliban sakin. Oo nanalo kami sa cooking contest at dahil iyon sa Suman na niluto ko.
Hanggang ngayun hindi parin mawala sa isipan ko ang nangyari kanina. God I'm Haunted!
Sila ni Fel at Celine ang kumuha nang trophy at prize sa stage. Kelan ba ako nila sinama? Kahit alam naman nila na part ako sa cooking contest. psh! what do I expect? I'm not famous as they are. I'm just a Nobody, OP, Loser anu pa ba? Tatanga tanga parati.
Napabuntong hininga ako. Tiningnan ko sila nang sandali. Nagpipicture silang lahat sa stage kasama ang adviser teacher namin. Naman! ang saya nila. Sila lang kasi ang Juniors.Ok Fine, as always.. gaya nang parati kong ginagawa for two years. Umalis ako sa gym at pumasok sa classroom para ligpitin ang mga gamit ko. Ang gulo gulo nang classroom, at doon ko nakita ang notebook ko, Ang dumi dumi na at parang tinapak tapakan ito halos hindi na makita ang design nang cover nito. Gaya nang nararamdaman ko ngayun, parang tinapak tapakan ang puso ko. Hindi ko napansin na may maiinit napalang likidong dumadaloy sa pisngi ko. And yes! I'm crying.. AGAIN.. I Lied to you guys. I'm sorry.. I'm always acting like I'm superman na malakas parati na parang hindi nasasaktan sa kabila nang lahat. Pero parang durog na durog ang pagkatao ko ngayun. I want to scream na hindi ko na kaya! pero tiniis ko nalang. Pinahiran ko ang mga luha ko. At lumakad palabas nang campus.
Napamura ako sa gitna nang daan. Madilim na pala...
Hindi ko alam kong bakit ako lumiko at naglakad papuntang public elementary school kong saan doon kami parating nag lalaro nang football..
May ilaw ang field pagpasok ko at maraming nakakalat na bola nang football. Siguro nga sa city varsity ito. Baka umuwi na sila. Kadalasan kasi iniiwan lang nila ang mga bola sa field.
Isa isa ko silang sinipa, galit na galit ako. Galit ako sa mundo. Galit ako sa mga tao sa paligid ko. How could they? If you're not famous or attractive, they won't see you as friend. They could throw you on trash like a shit!
And then I burst out in crying. Umiiyak akong naglalaro nang bola. Parati ko ditong nilalabas lahat nang galit at emosyon ko. Hindi ako nag sasalita dahil ang katawan ko lang ang hinahayaan kong magsalita.
Huli ay sinipa ko ang bola. Lahat nang pwersa ko ay inilabas ko na. And then boom! GOAL!
"Tama na 'yan"
Bigla akong napalingon sa taong nagsalita sa likuran ko.

BINABASA MO ANG
Love Me Back
Romance"Ang gusto ko lang ay mahalin mo rin ako, please Love me back!" Hindi lahat nang gusto mo nakukuha mo. Kahit sa Pag-ibig, lahat na ata nasa pag-ibig na.. Masasaktan ka, madidihado, Unfair, Masaya, masarap, at kaya mo ang lahat ipagtanggol lang ito...