LMB07

7 0 0
                                    

             "Pwedi ba kitang ligawan?" hinawakan niya ang kamay ko. At bigla ko namang binawi ito. Liligawan niya ako? Nababaliw na siya, nakakatawa! Sino namang maniniwala na may manliligaw ako.

Napatawa ako "Is this a kind of joke Harl, dahil hindi nakakatawa"

Hinawakan na naman niya ang kamay ko. "No! hindi ako nagbibiro Leng because I like you from the very first time that we meet. You're kind, smart, sweet and you are pretty."

Aba! Niloloko nga talaga ako nito! sabihan ba naman ako na maganda…

"Oy Harl, wag mo kong ma loko loko diyan haa! tumigil ka na nga, sinasayang mo lang oras mo maghanap ka nang maganda"

He rolled his eyes at napabuntong hininga. "I won't kasi ikaw ang gusto ko just please give me a chance to prove it to you"

Napanganga ako sa sinabi niya, seryoso ba 'to? Tinitigan ko nang masyado ang mukha niya, Oh Damn! this face is dead serious.

"Sige"

Napatakip ako sa bibig, Sh*t! Anu ba 'yung sinabi ko? Am I crazy? Like what the--!

"Wala nang bawian ah! pumayag kana" 

Kinuha niya bag ko at nag umpisang lumakad. Ako naman ay naiwang nakatayo. Hindi pa rin kayang mag sync ang utak ko sa nangyayari. Tapos pumayag pa ako! Anu ba naman! Hindi naman sa choosy hah, pero anu ba!? Bulag ata ang taong to at baka malabo ang mga paningin nito. Ligawan ba naman ako.

"Leng! Halika na"

Bumalik na ako sa katinuan, tumakbo ako papunta kay Harl. Masisira na ba ang titulo kong NBSB? Diyos ko! sinong mag aakalang may papatol sakin.

Mamameyah! Pumuti na ba ang uwak?

"Lenica! anung oras na? bakit ngayun kalang?" Mama

Oh why!!? why!!? Umaandar na naman ang pagka sirang plaka nang nanay ko.

Napayuko at napabulong..

"Meron naman diyang orasan, ba't ako pa tinatanong niyo?"

Narinig kong nagsitawanan ang dalawang kong kapatid. Si Kuya at si Andrew talaga!

"Aba!--"

"Tama na 'yan Mel, patulugin mo nalang yang anak mo" Papa

Kahit kelan talaga, kakampi ko si Papa hindi siya nawawala sa tabi ko Hehe.

Hindi na ako umimik at dumeritso na ako sa kwarto. Baka magtatarak na naman si Mama.

"San ka na naman galing? at bakit ginabi ka nang uwi nag-alala kami masyado sayu"  Kuya Al

Hindi ko siyang napansin na nakapasok na pala nang kwarto. May lahing ninja siguro ang pamilya namin ∩(︶▽︶)∩ 

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko ang pag-aaral.
Anu ba ang sasabihin ko? na ginabi ako kasi yung "Manliligaw" ko nag ayang mag dinner. Tatawanan lang siguro ako nito.

Iba kami ni Kuya Al, hindi ko nga alam.. baka hindi kami kambal kasi ang gwapo niya eh. Minsan na iinsecure ako sa kanya. Mas maarte pa sa akin. Eh hindi naman talaga ako maarte. Tsaka marami syang chix. Pinipilahan ata to eh! samantalang ako? Inday Nene parang naiwan nang henerasyon. Wala eh! natatamad ako, tsaka wala akong oras kasi aral ako nang aral. Ikaw ba naman ma pressure.

"Oy kambal, ang tahimik mo naman ata? may problema na naman ba?" Kinakalabit niya ang balikat ko.

Napabuntong hininga ako.

Love Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon