Zone 1: The Dreamer's Class of Sinners

22 2 0
                                    


Zone 1: The Dreamer's Class of Sinners

"Luna!" naalimpungatan ako. Pero mas pinili kong ipikit pa rin ang mga mata ko.

"Luna, please lang. Gumising ka na mag-uumpisa na ang 3rd class natin oh. Masungit pa naman yung prof." Inangat ko ang ulo ko para tignan siya ng pagkatamad tamad.

"Please lang din Kaira. Maniwala ka saakin. Kung ayaw mo pang umalis sa school na to. Edi matutulog na lang ako. Baka nasa panaginip pa din ako ngayon." Dire-direcho ko iyong sinabi sa kanya.

"Hay nako. Bahala ka sa buhay mo. Nandiyan na si Sir, sandali na lang makikita mo." Yuyuko na sa uli ako pero maya-maya lang ay pumasok na nga yung Prof namin. Napatingin na lang ako kay Kaira. Pano niya nalaman?

"Pst. Pano mo nalaman?"

"Na ano?"

"Na parating na siya?"

"Sinong siya?"


"Good morning! Today, I want you to write anything about reality and dreams." Narinig ko kaagad ang pagpunit ng papel. Iniabot ito saakin ni Kaira. Tumango na lamang ako.
Agad naman umupo yung Prof namin at tahimik na pinagmasdan ang aming klase.

Napatingin din tuloy ako. Ano kayang nasa isip niya? Na itong klase na ito ang pinaka kinasusuklaman ng lahat? Oo, parang isang kulungan ito ng mga estudyante. Binubuo kami ng mga bullies, kurakot, magnanakaw, maarte, galing sa pamilya ng mamatay tao, mapang-akit at matatapang. Bakit ako napasama rito? Hindi ko alam ang lahat pero ang sabi saakin, may ninakaw daw akong napakaimportante. Si Kaira naman na matalik kong kaibigan ay nakapatay ng isang tao. Imposible. Sabay kaming lumaki. Kaya pareho kaming hindi naniniwala. Paano mangyayari yun eh wala naman akong maalala na may ninakaw ako o pinatay siya? Sobrang imposible.Kalokohan lang ito ng paaralang ito. Kaya bahala na silang humusga saamin.

"Pass the papers now." Ay shet wala pa akong nasusulat kaya dalidali kong isinulat ang mga salita na unang pumasok sa utak ko mula ng marinig ko ang topic namin.






Nagkakagulo ang lahat. Humihikbi ang mga estudyante. Natataranta ang lahat. Kaira? Nasaan si Kaira? Nagmamadali akong tumakbo paakyat sa itaas. Malamang ay nasa silid na siya. Pahakbang pa lang ako sa ikatlong palapag ay nakarinig ang ng dagundong. May itim na usok na pababa mula sa itaas. Naririnig kong nagsisi-ubuhan ang mga tao sa itaas. Lumayo ako sa usok at ilang saglit lang ay may mga pababang tatlong lalaki na gawa sa usok, may hawak silang kung ano-anong mga armas. Agad akong nagtago. Nang makalagpas sila ay tumakbo ako paakyat sa hagdan ngunit mukhang natunugan nila ako. Hinabol nila ako. Tumakbo na ako paikot ng palapag at pumasok sa loob ng isang silid. Kahit sa kaloob looban ko ay halos manuyo ang lalamunan ko sa usok. Hingal na hingal na ako. Narinig ko ang mga yabag nila kaya dumampot na ako ng kahit anong mahawakan ko. Naglakad ako papalapit at saktong pagbukas nito ng pinto. Agad ko siyang tinusok ng bakal na hawak ko. Takot na takot ako. Nanginginig ang mga kamay ko, lalo ng Makita ko ang mga mata nitong kulay pula at unti-unting sumirit ang dugo mula sa katawan nito. Hinila ko ang bakal at sinaksak muli ito sa ulo hanggang sa maging abo ito.
Nagpatuloy ako sa pagtakbo. Nang marating ko na ang pinakataas na palapag nakita kong kinakalampag nila ang pintuan at mga bintana. Humihingi sila ng tulong. Umiiyak. Kasama na doon si Kaira. Si Kaira na nag-iisa na lang na importante sa buhay ko. Si Kaira na kasama ko sa lahat ng bagay. Pinihit ko ang doorknob pero mahigpit ito. Sinilip ko muli sila. Ang iba ay naghahampasan at nagsasaksakan na ng mga matatalim na bagay. Ballpen, cutter, lapis at ilan sa kanila ay may sariling maliit na kutsilyo. Kinabahan ako. Kaya sila naging ganito dahil gusto na nilang lumabas sa kwarto pero hindi ko sila matulungan dahil maski ako, hindi ko iyon mabuksan. Baka magpatayan silang lahat doon. "Tara na. Wala ka rin namang magagawa." Binuhat niya ako at tumakbo papalayo sa kwarto *BAM* tunog ng isang napakalakas na pagsabog na ikinayanig ng lahat. "Huli na ang lahat." Sabi niya. Mas lalong kumapal ang itim na usok. Nakita ng aking mga mga mata kung paano bumuka ang sahig at hinila kaming lahat pailalim. "Luna!"









Napalumbaba ako matapos kong ipasa ang papel ko. Maliwanag na maliwanag pa rin sa aking isipan ang napanaginipan ko kanina. Napailing na lang ako ng maisip muli iyon. Imposible naman kasi yun. Tao na naging abo? Itim na usok? At paghigop ng lupa? Sino bang maniniwala saakin eh ako nga di makapaniwala sa sarili kong kwento.

"Okay ka lang?"

"Oo. Teka, may kilala ka bang Denzel?" Naalala ko lang. Lagi siyang nasa panaginip ko pero hindi ko siya
kilala.

"Bakit crush mo siya noh?"

"Ano? Meron ka ngang kilalang Denzel?"

"Yieee. Oo, taga 1st Section siya." Totoo siya?

"I-describe mo nga."

"Ikaw ha. May pinagnanasahan ka na."

"Baliw. Umayos ka nga!"

"Matangkad, gwapo, masungit, itim ang buhok at masungit ulit."

"Alam kong hindi ka pa rin naniniwala saakin pero yung panaginip ko kanina, siya yung bumuhat saakin!" naikwento ko kasi yun sa kanya

"Nako Luna ha. Obsession na yan!" umirap siya. Dahilan ng pag-irap ko din sa kanya. Pero nahagip ng mata ko ang pares ng mata na nakatingin saamin mula sa labas ng room namin.

"Shit." Yung Denzel yun ah!

"What?"

"Ayun siya sa labas oh!"

"OMHYGASH LUNA! BAKA MEANT TO BE KAYO! LABASIN MO NA!" napansin ko naman ang mga daliri niya na parang tinatawag nga ako. Bumuntong hininga ako at lumakad na palapit sa kanya.

"Bakit?"

"Halika na. Kailangan na nating umalis dito." Walang ekspresyon niya sabi

"Anong problema mo?" hinablot niya ako at bigalang binuhat. Tinakbo niya ako pababa pero nagpupumiglas ako.

"Hoy! Bitiwan mo ako!" pero patuloy pa din siya. Kinotongan ko nga. Leche eh! "Aray! Pu.tng.a naman oh!" Sabay bato niya saakin pababa. "Aba minura mo pa ako!"

"Ikaw kasi eh." Sabay nguso niya saakin.

"Nandoon yung kaibigan ko sa itaas!" Tumakbo ako paakyat bahala siya doon.

"Hindi pwede. Delikado na."

"mas lalong hindi pwedeng iwan ko siya doon."

Sa pagtakbo ko ay alam kong nakasunod siya.

"Wala na talaga tayong oras."
Naaaninaw ko ang usok. Gaya ng sa panaginip ko. Nagkakagulo na ang lahat. Umuubo. Pero di ako papatinag. Diredirecho ako kahit kumakapal ang usok.

"Alis!" tinulak niya ako kaya tumilapon ako sa gilid. Nakita ko naman kung paano niya pinatay yung tatlong tao na mula sa usok. Yung panaginip ko... nagiging totoo.
Itinayo niya ako at kinarga paakyat. Gaya ng sa panaginip ko, nakulong nga sila sa loob ng kwarto. Pinihit niya yung doorknob pero hindi rin ito bumukas.

*BAM*

Ohmyghad. Parehong pareho ng tunog ng pagsabog sa panaginip ko.

"Huli na ang lahat."

COMFORT ZONE: The Forbidden CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon