Hay salamat natapos din yung first day ng klase. Ang Urggh.. I can't believe na yung jerk lang na yun ang sisira sa araw ko. Bwissiit talaga sya.
Nandito na nga pala ako sa room ko. At until now naiinis pa rin ako. Ooops, baka isipin nyo dada na ako ng dada dito eh di pa nga pala ako nagpapakilala. Hehe.
Ako lang naman si Keisha Francince E. Capillan. :) I know cute ang name ko. LOL. Yabang lang eh noh. Anyways, mama ko nag name sakin nyan. And to tell you, KEISHA yung loveteam nina mama at papa. Kinuha nila yan sa name nila. Ang name ng mama ko is Charlaine at si papa naman is Franz Kevin. O diba. ^^ May isa akong kapatid ay yun naman ay si Charles Vincent. Still, sa name parin nina mama kinuha yung name nya. Love na love ko yang kapatid kung yan. Cute nya eh. hehe
16 years old na po ako and turning 17 this coming September. I have a bestfriend naman, her name is Keianne Louisse. Keisse for short, tawag ko sa kanya. I love that girl. hehe
NBSB pa po ako, as in No Boyfriend since birth. haha. Well, wala pa isip ko yung mga love life na yan. Enjoy lang muna ako sa life ko and studies ko. As what my mom told me.
Well, looks ko? hmmm.. simple lang naman ako. Hindi naman ako pa kikay. lol. Mahaba ang hair ko na namana ko pa kay mama. Light brown ang kulay ng mata ako at maraming nagsasabing maganda daw ito. Maliit lang ang nose ko pero dina man ako pango. Bagay lang sa shape ng face ko. And sabi ng best friend ko kissable lips daw ko. Maputi ako at tama lang ang height ko sa body ko.
Mahilig din akong gumala with my best friend. Ang kulit din nun eh. Na BH lang nga pero she can still manage to have fun with me. Kaso nga lang second year na yun. Dun sa school na pinapasukan ko.
"Keisha Sweetheart, baba kana dito. Dinner na tayo." Ooopps. si mama yun, she's calling me na for dinner. Next time na lang ulet ako magki-kwento about sa life ko. LOL.
Bumaba na ako nun para mag dinner. Nagagalit kasi yun si papa pag nag skip kami sa time ng pagkaen.
Pagkababa ko, kumpleto na sila dun. Umupo na ako at syempre nag pray muna kami before nag start kumaen.
Nung kumakaen na kami ng dessert, dun na sina mama nagsimulang magtanong about sa first day of class ko. Ayan na nga bang iniisip ko kanina. Kala ko dina nila naalala. Ayaw ko pa namang pag-usupan to. Kung di dahil sa lalaking yun masigla sanang akong magki-kwento sa kanila na I really like our school.
"So sweetie how's your first day?" tanong ni papa habang sumusubo sya ng dessert nya.
"It's pretty good papa. I had a great day today." Nakangiti kong sabi. Ewan ko na lang kung nahalata nya yung sarcasm sa boses ko. Hmmpp.. Bwisit na lalaking yun. Nagsinungaling pa tuloy ako kay papa. -_-
"Good to hear that. May friends kana ba? Nakita mo ba si keianne?" Si mama naman.
"Nope. Wala pa po akong friends at diko po nakita si Keianne, Sa laki ba naman ng school namin. And diko pa nalilibot yun. Maybe tomorrow."
"I see."
After naming kumain, umakyat na ako sa kwarto ko. I want to sleep na. Hay naku.