CHAPTER TWO
*flashback*
"Hoi!!!" sabi ko sa mga lalaki na nang-aaway ng isang batang lalaki na pinagbabato nila. Sapol sa ulo nung isa. Nilapitan nila ako at hinila.
"Pakialamera nitong kulot na ito ah!" sabi nung humila sa akin.
"Isusumbong ko kayo sa papa ko!" sigaw ko sa lalaking nambully.
"Hoi bata, kinukuha lang namin baon nitong tabachoy na ito. Kaya pwede, tumahimik ka diyan bago kita itapon sa ilog!!!" sabi nung isang lalaki.
Dahil sa narinig ko na ipapatapon ako sa ilog, umiyak ako at nagsisigaw.
"Cordero pala apilyedo nito pare." sabi nung lalaki nung tiningnan niya ang school ID ko.
"Ayos tol! Alvaro at Cordero ang nasa mga kamay natin. Jackpot!" sabi nung nasapol ko ng bato.
"Ahhh!!!" sigaw ko ng may narinig akong isang putok ng baril.
"Bitiwan niyo mga batang yan!!!" sigaw ni Peter, ang yaya at personal body guard ko.
Binitiwan kami ng bata at itinaas nila ang kanilang mga kamay.
Ilang sandali ay dumating ang mga pulis at hinuli silang lima.
"Hi..." sabi ko sabay ngiti sa batang lalaki.
"He.. hel... lo..." utal na reply niya.
"My name is Tara. Tara Cordero. I'm 5 years old. You?" pakilala ko sa kanya.
"Xander. 5." hiyang sagot niya.
I smiled at him.
"Friends?" sabi ko sa kanya.
He looked so amazed of what i said and nod shyly. "Yes."
We held hands returning to school. It was already 5pm kaya alalang-alala parents namin. Our mothers run toward us and hugged us tightly. Doon namin nalaman na magbest friends mothers namin. Ang mga ama namin ay hindi naman nagkikibuan.
From then on, lage na kaming magkasama. He's shy kaya ako palagi tapagtanggol niya kapag mayroong tumatawag sa kanya ng tabachoy.
Sa graduation namin siya ang first honor, most humble, most polite, best in science at best in english tapos ako ay second honor, best in math at most friendly lang.
Last day na namin magkakasama sa Kindergarten. Nalungkot kami pareho dahil matagal-tagal kaming hindi magkikita ulit. He will be going to New York for vacation. Pupunta naman ako ng New Zealand.
Tinawag na kami ng mga mama namin. Nagtakbuhan naman kaming dalawa. Syempre, naunahan ko siya.
"Oh baby... say goodbye to Xander." sabi ni mama sa akin.
"Hmmm... bye Xander." sabi ko tapos niyakap ko siya.
"Sana classmate pa rin tayo sa susunod. I don't want another friend." sabi niya sa akin.
"Uhm! Promise! Cross my heart." sabi ko at nag-pinky swear kaming dalawa.
Naghiwalay na kami. Nakakapit ako kay mama. Bigla-bigla ko siya binitiwan at tumakbo patungo kay Xander.
"Xander!" tumingin siya at lumapit.
"Mwah!" bigla ko siyang hinalikan sa lips at tumakbo pabalik sa mama ko.
"See you sooooooon!" sigaw ko sa kanya sabay kaway.
Nakatunganga lang siya at hawak ang mga labi niya at pulang pula ang buong mukha.
*end of flashback*
YOU ARE READING
Been Loving Him
Romance[A/N: sexual content - for open-minded only] I love him... Been loving him for a long time... He hates me... Me and my family... Besides, I'm Tara Cordero, the daughter of Apollo Cordero, the man who destroyed their family. And what he wanted is rev...