Kris POV
Pasukan naaa! Second yr na kami ngayon. Bilis ng panahon, hm. Kamusta na kaya si Ganda? Saan ka siya nag-aaral? NAku!!! ANo ba tong iniisip ko, si Ganda na naman nasa isip ko. Tumigil ka nga Kris! Mabuti pang pumasok kna sa room nyo! Magpakabait kna nga ngayon, Hala! Mabait naman ako ah? Oo, kapag tulog. Haha, joke lang, kausapin ba sarili. Papasok na ko ng room nang biglang….
SI GANDA!!!!!! Ha? Tama, si ganda nga siya. Akalain nyo yun, classmate pala kami. Hahaha! Pagkakataon nga naman. Hm, Alam ko naaa!
Kris: Hoy! Pangit na masungit na nakabunggo sakin sa mall!
Bigla siya nagulat sa sinabi ko. Hahaha
Joyce: IKAW?!!!! Ang kapal mo naman sabihin yan!
Kris: Bakit? Totoo naman sinasabi ko ah?
Joyce: Para sabihin ko sayo ikaw ang nakabunggo sakin at hindi ako pangit!!! At lalong lalo ng hindi ako masungit!!
Kris: Eh, ano tawag mo dyan?
Joyce: Ewan! Ewan ko sayo. Pwd ba umalis kna dito.
Kris: Bakit ako aalis e dito ang room ko.
Joyce: What?!!! Classmate tayo? Grabe! Ako na yata pinakamalas na babae sa buong mundo!
Kris: Ikaw nga pinakaswerteng babae e, kasi nagkaron ka ng pagkakataon makilala ang isang katulad ko na gwapo! Tandaan mo name ko, AKo si Kristofer Martin Dangculos. Kris nalang for short!
Joyce: Wala ako pakialam!! Umalis kna nga sa tabi ko!
Kris: Tamu! Ang sungit mo nga!
Joyce: Hindi nga ko masungit e!!!!
Hahahaha. Si ganda lalo gumaganda kapag nagagalit!
Rick POV
Malapit na kami sa classroom ni Lexi na my marinig kaming isang babae na sumisigaw parang galit na galit pagkita namin ni Lexi…..
Girl: Hindi nga ko masungit e!!!!
Wow. Ang ganda naman niya, teka! Si kris yun sinisigawa nya ah. Hahaha, siya kaya yun nabunggo ni Kris kahapon sa mall? Naku, pagkakataon nga naman oh, dahil inis na inis na yun babae nilapitan na namin siya ni Lexi.
Lexi: Hi miss. Bat parang galit na galit ka ata sa kaibigan namin? Hehe. Ako nga pala si Lexi.
Joyce: Ah, ako naman si Joyce. Nakakainis kasi tong kaibigan nyo, pagsabihan nyo nga.
Kris: Joyce lang pala pangalan mo hindi mo pa sinabi sakin, ANo ba yan! Ang pangit ng name mo. Hahahaha
Joyce: Anong sabi mo?!!! Ang sama ng ugali mo!!
Rick: Teka! Awat muna. 5mins lang. Hoy! Kris. Tigilan mo nga yan, putulin mo nga muna yan sungay mo!
Kris: hahaha, sige na nga. 5mins lang ah?
Rick: Loko! Hm, Hi joyce. Ako nga pala si Rick, pagpasensyahan mo na kaibigan namin. Hindi naman sya talagang ganyan, mabait yan.
Joyce: Hello, hm. Sa tingin ko rin mabait sya. Mabait sya kapag TULOG!!!
Kris: Hoy! Narinig ko yun ah!
Joyce: Eh ano naman? Pinarinig ko talaga yun sayo!
Lexi: hahahaah! Teka, relax ka lang Joyce, hoy! Kris wala pang 5mins!!
Rick: Pare! Huwag ka nga magulo dyan.
Kris: Sige na nga!!!
Lexi: hm, ganito nalang. Rick, samahan mo muna ngayon si Kris tapos samahan ko muna si Joyce.
Rick: Sige, mabuti pa nga.
Lexi POV
Hahaha, nakakatawa si Joyce galit na galit talaga siya ky Kris. Hm, hindi naman talaga ganun si Kris e. Mabait sya, promise! Hindi ko lang maintindihan kung bakit ganun sya kay Joyce. Grabe! Parang sasabog ang classroom sa galit ni Joyce. Kaya nagdesisyon ako na samahan ko muna si Joyce para makilala ko naman siya.
LExi: Hm, relax ka lang Joyce. Hehe, smile kna. Baka pumangit ka nyan e ang ganda mo pa naman.
Joyce: kaibigan nyo kasi e ang sama ng ugali. Hm, hehe. Ganun? Thankyou.
Lexi: haha, naku! Papansin lang yan si Kris. Oo nga pala, bago ka lang dito?
Joyce: Hm, Oo e kaya wala pa ko kakilala at kaibigan dito. Galing ako Canada lumipat lang ako ngayon.
Lexi: Ah, ganun ba. Oh, ngayon my kaibigan kna at kami yun nila Rick at Kris.
Joyce: NAku! Ikaw at si Rick pwd ko maging kaibigan pero si Kris?!!!! No!!
Lexi: hahaha, nakakatuwa ka naman, laki talaga ng galit mo sa kaibigan namin nu?
Joyce: Antipatiko kasi sya, mahangin, masama ugali at higit sa lahat hindi sya GWAPO!!
Lexi: hahaha, relax ka lang. umusok na yan butas ng ilong mo e. mabait naman yan, baliw lang.
Joyce: ewan ko sakanya!!
Lexi: hahaha, oh. Tama na yan, huwag mo na muna sya isipin. Hm, Oo nga pala samahan nalang muna kita maghapon. Okay lang?
Joyce: Ah, e. Pano mga kaibigan mo?
Lexi: Magkasama naman sila ni Rick at Kris. Mas magiging okay kung sayo ako sasama, wala ka kasing kasama e at tsaka for sure hindi mo pa alam pasikot sikot dito sa school.
Joyce: Oo nga e, hm. Thankyou ah? ANg bait mo naman sana bigyan mo ng kunting kabaitan si Kris.
Lexi: hahahaha! Ohsige, mamaya bigyan ko.
Joyce: hahaha! Sige.
Joyce POV
Grabeee! Hindi ko akalain na classmate ko pala yun Antipatikong lalaki, mayabang. Masama ang ugali, lahat na!! Ang malas ko, ako na yata ang pinakamalas na babae. Huhuhu! Buti nalang sinamahan ako maghapon ni Lexi, ang bait nya sana binigyan man lang nya kahit kunting kabaitan si Kris. Hay! Ang sama nya talaga sakin, naiiyak ako sa tuwing nakikita ko siya. Huhu! Tapos araw araw ko syang makikita kasi classmate kami soon or later baka makasama ko na rin sya kasi Kaibigan ko na ngayon ang kaibigan nya, feeling ko walang araw na hindi ako mabwibwiset sa Kris na yan. Natapos ang mghapon na kasama ko si Lexi. Sana bukas, hindi ko makita si Kris, kahit imposible mangyari yun. Sana magkaron ng isang HIMALA kahit bukas lang po. T.T