Do my project Tria

61 1 0
                                    

"Tria anak gising na, may pasok ka pa" sabi ni mommy

"gising na po"

nag ayos na ako tsaka bumaba para kumaen

"good morning dad, good morning mom, sayo din kuya at ate" bati ko sa kanilang lahat

"good morning din anak" bati ni dad habang nagbabasa ng dyaryo

"sayo din lil sis" bati naman ni Kuya Anxiel saken habang busy sa kakakaen, matakaw yan eh parang si mommy pero di tumataba pero si ate deadma lang kaya di ko na lang pinansin lagi naman ganyan saken eh...

"umupo ka na dito Tria bago ka pa mabaliw dyan ang lapad ng ngiti mo eh" biro ni mom saken

naupo naman ako tsaka kumuha ng isang tinapay at itlog diet eh haha

btw ako nga pala si Trianna Aileee Raze, ang pamilya namen ang maipluwensya sang panig ng mundo, maraming business sila mom at dad pati na din si kuya si ate naman isang model sa canada, AKO? estudyante pa lang ako pero dadating din ako sa ganyan

(SCHOOL)

nagmamadali akong pumasok kasi late na ako ng 5 mins oo tama kayo 5 mins pero bigdeal na. ganyan pag gradeconcious(tama ba spelling ko?)

pagbukas ko ng pinto lahat sila nakatingin saken, malamang sa alamang kasi sobrang tahimik tapos biglang may papasok agaw eksena lang haha

"sorry po ms im late" hingi ko ng paumanhin saka umupo sa upuan ko... nagsimula na syang magklase na ni isa wala akong naintindihan, walang pumapasok sa utak ko -.- hanggang sa magdismiss sya wala akong natutunan, oh diba? estudyante ako sa paaralang nakapangalan saken, hahaha

(cafeteria)

"Triaaa"

napatingin ako sa tumawag saken, si Paris one of my friends, mabait sa taong mabait, NBSB(mapili kasi), prangka at madaldal. Yan si Analia Paris Reez.

"how are you?" tanung nya pagkaupo sa tabi ko

"para namang di tayo nagkita kahapon tsaka nagkausap kagabi ah kung makamusta ka dyan wagas"

"grabe ka Tria ah nangangamusta lang naman ako ikaw pa ganyan" sabi nya tsaka umorder ng pagkaen namen

"hey Ai"

"oh andyan kana pala"

"ai hindi Ai picture ko lang to! tanga lang?" pilosopong sabi ni Sunshine Dela Fuente, pilosopo, mapangbara at madaldal.

"hoy Shine bruha ka talaga kanina pa ako naghahanap sayo ni di ka man lang kita nakita" inis na sabi ni Paris pagkalagay ng tray sa mesa

"pasensya noh? di ko alam na tanga ka din gaya nya! uso gumamit ng cellphone Paris" inis na sabi nya, masanay na kayo ganyan lang talaga mag usap yang dalawang yan akala mo laging nag aaway

"wow Shine ah ikaw na nga lang ung hinahanap ikaw pa ganyan" sabi ni Paris saka kumaen

pinapanuod ko lang silang dalawang mag away...

"sinabi ko bang hanapin mo ko huh?" natatawang tanung ni Shine.

sabagay may point naman si Shine, bukod sa di gumamit nh phone si Paris eh bakit nya hinahanap si Shine

"btw Paris bakit mo nga pala ko hinahanap?" tanung ni Shine habang busy sa kakatext

"hinahanap ka lang naman po kasi ng iyong Tristan kanina" pagpapaliwanag ni Paris, si Tristan Del Valle ang 5years boyfriend ni Shine. Matagal na at never pa silang naghiwalay pero away madami dami na haha minsan makikita mo na lang na may nagliliparang gamit sa harapan mo.

"talaga!? asan sya!?" masayang tanong ni Shine saka umalis bigla ng walang paalam.

"hmm Tria"

"hey my little sister"

"yes ate?"

di ko pala nasabi na dito din pala nag aaral ate ko graduating na sya.

"if you don't mind lil sis, pwede favor?"

"ano yun ate?"

for sure may ipapagawa na naman to saken, lagi naman eh

"pwede pasulat ako ng report ko? please?" pagmamakaawa nya

"okay may magagawa pa ba ako?" napabuga na lang ako ng hininga sa hangin.

"thanks Tria!!" sabi nya tsaka umalis na

"di pa rin pala nagbabago yang ate mo Tria, pero eto ikaw sunod sunuran ka pa rin sa kanya"

wala naman ako magagawa eh, lagi nya kong binablack mail.

(bahay)

"mom! dad!"

pagdating ko sa bahay parang walang tao except for the maids.

"asan sila?" tanong ko sa maid na kasalukuyang naglilinis

"pumunta po ng Canada mam di na po nagawang hintayin kayo, nagmamadali po eh" paliwanag nung maid

"bakit may emergency ba?"

"ang narinig ko lang po mam na pinapunta po sila ng lola nyo dun"

"eh si kuya?"

"lumabas lang po saglit mam"

"sige salamat"

umakyat na ako ng kwarto ko at naglinis wala pang isang oras narinig ko na agad ung matinis na boses ng ate ko

"TRIANNA!!!!!"

hays bumaba na ako saka sya hinarap

"bakit ate?"

"nalaman ko wala sila dad at mom dito ng 4 na buwan so you stuck with me my lil sister" nagsmirk sya

"eto na ung isusulat mo pakidalian lang ah" sabi nya tsaka hinampas sa dibdib ko ung mga isusulat ko...

"evil talaga" pabulong kong sabi saka umakyat na para gumawa ng kanyang report.

wala pa ko sa kalahati ng sinusulat masakit na agad ung kamay ko.

"im hungry!! pahirap ka talaga ate"

bumaba ako para kumuha ng makakaen ko

"yaya asan po si ate?"

"mam umalis po eh may kasama po syang lalaki"

"baliw talaga un, ako na nga gumawa ng report nya nakuha nya pang maglagalag" inis na sabi ko

"yaya pagawa naman po ng meryenda nagugutom na po ako eh" pakiusap ko sa maid tsaka umupo sa isang stool.

*beepbeep*

kinuha ko ung phone ko tsaka tinignan ung nagtext

from: Shine

'girl! tara shopping tayo'

di ko na lang pinansin ung nagtext. marami akong ginagawa at gagawin dahil sa masipag kong ate. di ko alam kung panu nakaabot ng 5th year yun.

after ko kumaen tinuloy ko na ulit ung pagsulat ng report ni ate. mag gagabi na nung natapos ko ung report kaya napadesisyunan ko ng matulog.

----

TRIANNA PHOTO SA GILID HAHAHA ANGEL LOOK YAN!


From Good to EvilWhere stories live. Discover now