Kitch meet Geoffrey

25 2 0
                                    

Maaga akong nagising para ayusin ung model kasi ung hayop na baklang manager na un, calling and texting me nonstop. Pinapaalala lagi na may gagawin daw, na eto schedule ko, kung kelan ung shoot, damn him kaya pinatay ko na ung phone ko kasama ng pagpatay ko sa kanya sa isip ko.

"Mam Kitch breakfast is ready!" sigaw nung maid

"so?" sigaw ko pabalik

"bumaba na daw po kayo mam Kitch!" sigaw nya ulit

Tumayo ako at hinarap sya kaya naman nagulat sya sa pagbukas ko ng pinto. Tinaasan ko sya ng kilay

"binabayaran ka para utasan dito hindi ang utusan ako! BABA! o gusto mong itulak pa kita?" sabi ko sabay ngiti na may halong pang aasar

Todo iling naman sya at mabilis pa sa alas kwarto na bumaba. So bumaba na din ako para kumaen ng may nadatnan akong lalaking kasama ni lola

"apo, miss na kita" sabi ni lola at niyakap ung lalaki, wala namang reaksiyon ung lalaki.

Pinapanood ko lang sila hanggang may isang maid na nagsalita

"oh mam Kitch dyan lang po kayo?" tanung nya kaya sinamaan ko sya tingin. Napatingin naman si lola at yung lalaki saken kaya lumapit ako sa kanila

Umupo ako sa couch na katapat sila. Tinignan lang ako nung lalaki kaya tinignan ko lang din sya. Mga ilang segundo din kameng nagtitigan nung awatin kame ni Lola

"Kitch this is Geoffrey my apo" pakilala ni lola na kung makangiti wagas.

"and apo this is Kitch my apo also"

tinignan nya ko mula ulo hanggang paa na maganda kaya napataas ung kilay ko

"cookie monster huh?" sabi nya tsaka napailing

"huh?" nagtatakang tanung ko

Tumingin ako sa sarili ko saka ko lang narealize na nakapantulog pa pala ako kaya dali dali akong umakyat para magpalit, grabe! nakakahiya un! PLEASE GROUND! EAT ME! EAT ME! EAT ME!

After ko magbihis, bumaba na ako para harapin sila. Ang magandang tulad ko di dapat nahihiya kahit kanino. Dumiretso ako ng dining para kumaen. Napatingin ako sa kanya na kasalukuyang kumakaen, napailing na lang ako saka umupo sa tabi ni lola.

"wala ka bang trabaho ngayon Kitch?" tanung ni lola

Umiling ako saka humigop ng kape. Napatingin naman saken ung Geoffrey na halatang kinikilala ko, kung san ba ko nagmula.

"alam ko maganda ako pero di naman ata titigan ako habang kumakaen" sabi ko ng seryoso

Napataas naman ung kilay nya.

"tss" sabi nya

WAIT? "TSS" kanino bang linya un? isip... isip... ah dun sa lalaking nakabunggo ko,

"aalis po ko mamaya la" paalam ko

"isama mo na si Geo apo" sabi nya kung makangiti parang iisipin ko na may di mangyayaring maganda

Tumingin ako kay Geo tapos kay lola tapos kay Geo.

"seriously la? sya isasama ko? NO WAY!" talagang inemphasize ko ung NOWAY para intense

"akala mo naman gusto kitang kasama spell ASA?" sabi nya tsaka ako inirapan, aba't baklang to!

"BAKLA" sigaw ko sa kanya

"hindi ako bakla! gusto mo halikan pa kita ngaun eh" sabi nya tsaka ngiting pang manyak. EWWW

"EWW! NEVER! IMAGINE ISANG DYOSANG KATULAD KO MAGPAPAHALIK SA ISANG HAMPASLUPANG KAGAYA MO?" sabi ko saka irap sa kanya

"eh kung palayasin kaya kita dito" nakangiting sabi nya

"edi palayasin mo! akala mo natatakot ako sayo?" panghahamon ko sa kanya

"okay sabi mo eh... lola sinung pipiliin mo ako o ung babaeng payat na yan?" tanung nya sa lola nya

Seryoso talaga sya?! WHAT THE!! sayang lahat ng pinaghirapan ko kung papaalisin lang ako dito!

"hoy hoy anu yan Geo?"tanung ko

"papalayasin kita" walang ganang sagot nya

"you can't do that!" sigaw ko sa kanya

"yes, I can"

Ngumiti sya saken tsaka tumayo

"pero wag na lang, para maging masaya ung pagtira ko dito" dagdag nya tsaka tuluyang umalis

Oh---kay? Mukang magiging HELL ang pagtira ko dito ah!

--

"so girl, anu gwapo ba? pwede akin na lang" kinikilig na sabi ni Maxiene

Kinuwento ko kasi sa kanila ung nangyari sa bahay. Wala kong narinig na kahit anu kay Max kundi puro "gwapo ba?", "may abs?" like duh! pakialam ko sa asungot na un. Masyadong mayabang!

"one word to describe him Max 'MAYABANG'" sabi ko tsaka humigop ng kape

Andito kame sa mall ngaun starbucks to be exact. Pampatanggal stress. Nakakaasar kasi ung lalaking un dagdag mo pa ung baklang si Rain na daig pa ang planner ko sa pagpapaalala.

Nakakaasar! Lumabas na kame ng SB, alangan naman tumambay pa kame dun sa ganda namen tatambay lang kame dun? Igagala ko na lang ung ganda ko para naman mas lalo akong gumanda.

"Mavie anu ng balak mo?" tanung ni Fretzie

"stay syempre!" pagmamalaki ko

Sinu sya para paalisin ako sa bahay ni lola?

"Talaga lang Mavie ah"

*boogsh*

"tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Sa ganda kong to di mo ko nakita! Stupid" sabi ko sa nakabunggo saken

Lumingo naman sya actually dalawa sila.

"Trianna?" sabi nung isang wavey ung hair

OMG! Shine and Paris? Pero wait tinignan ko sila mula ulo hanggang paa
"do I know you?" tanung ko, pero ang totoo kilala ko sila sadyang galit ako sa kanila kaya di ko sila kilala

"Shine and Paris? remember" sabi ni Paris

MALDITA MODE ON

"Oh? Oo I remember you guys!" masayang sabi ko

"ung mga plastic na kaibigan ko DATI" sabi ko then I laughed bitterly. Tumalikod ako sa kanila. Ung dalawa naman di na nangialam kasi kinuwento ko sa kanila ung ginawa ng mga kaibigan ko dati.

Nagulat ako nung hinawakan ako ni Paris sa braso kaya napatingin ako sa kanya then sa kamay nya sabay taas ng kilay, dali dali naman nyan binitiwan ang braso ko tsaka yumuko.

"excuse me lang huh? pero may lakad pa kame ng mga KAIBIGAN KONG DI NANG IIWAN" sabi ko sabay alis.

Nakarating kame sa may parking lot. Nawalan na ko ng magshopping.

"halatang nasasaktan ka Kitch" sabi ni Max

"what are you saying? ako nasasaktan? HELL NO!" I lied

Mahirap naman kasi. 3 years ago mula nung gaguhin nila ako, akala ko napatawad ko na sila at okay na kame pero nung nakita ko sila parang bumalik ulit ung sakit ng nakaraan. I HATE DRAMA! Pero anu tong ginagawa ko?

"so why are you crying?" tanung ni Fretzie

Napahawak naman agad ako sa pisngi ko. Ung mga luha ko walang tigil sa pagpatak. Totoo ba na nasasaktan ako? o umiiyak ako dahil naiinis ako?. Aminin ko man o hindi miss ko na silang dalawa,

"it's okay to cry Mave... Only time can heal a broken heart, siguro naman tama na ung 3 years para mag hilom ung mga sugat sayo" sabi ni Max

Napatingin naman kameng dalawa ni Fretzie sa kanya tsaka sya sinalat.

"ung Maxiene Hattie na walang pakialam nagsasalita ng ganyan?" sabi ni Fretzie

"hindi bagay Max! muka kang tanga!" sabi ko tsaka ko sya inirapan

Is 3 years enough? HELL NO! Ngaun natin mapapatunayan na may forever sa mundo! wait matagal ng may forever simula nung isilang ako. FOREVER AKONG DYOSA!

From Good to EvilWo Geschichten leben. Entdecke jetzt