I Like You Daw?

13 1 0
                                    

After a minute nakarating na ko ng bar. Pumunta ko ng counter at umorder ng drinks. Di ko pa naiinom ung drinks ko ng may nagsalita sa gilid ko.

"may kasama ka miss?" tanung nya, tinignan ko muna sya sa mata at nagsalita

"depende" walang ganang sagot ko

Napasuklay naman sya sa buhok na halata mong nagpagwapo. Walang talab saken yan.

"depende kung sasamahan kita?" tanung nya tapos kumindat pa

Nginitian ko din sya ng pagkatamis tamis.

"depende kung duling ka" sabi ko na halata naman ang pagkadisappoint nya.

Uminom na ko ng drinks. Maya maya may lumapit na namang lalaki

"hi miss. Dave nga pala" pakilala nya sabay lahat ng kamay

"not interested" walang ganang sagot ko

Habang umiinom ako nagpatugtog sila ng slowmusic. Nagkayayaan naman ung mga hampaslupa sa dancefloor at nagsayaw na. Maya maya may lumapit ulit

"may I have this dance?" tanung nung lalaki, gwapo pero di ko type

Uminom muna bago magsalita.

"yes you can have it. isaksak mo sa utak mong makitid" sabi ko at ngumiti, Disappointed naman nya akong iniwan.

Nakakarami na ko ng inom ng may nagsalita na naman.

"gabing gabi na andito kapa din" sabi nya

Tinignan ko sya. Grabe! Kamuka nya si Geo. Hinawakan ko sya sa muka at kinurot kurot. Halata mo naman ang pagkainis nya.

"am I dreaming? or si Geo the great Epal ka talaga?" sabi ko, nahihilo pa ako nung pagtayo ko kaya inalalayan nya ako

"tara na umuwi na tayo" yaya nya

"ayoko pang umuwi!" sigaw ko sa kanya at umupo ulit tsaka tumungga ulit ng drinks.

"uuwi tayo o pwershan kitang iuuwi?" tanong niya

"ang hilig mo sa pwersahan! btw why are you here nga pala?" nagtatakang tanong ko sa kanya

"hinanap kita" sabi niya tsaka napakamot sa ulo nya na tila nahihiya

"ako? ikaw? hinanap mo ko?" natatawang tanong ko

Napailing na lang siya at umupo sa tabi ko. Napabuga naman sya sa hangin kaya napatingin ako sa kanya

"lalim nun ah" sabi ko sa kanya

"nag aalala lang naman ako kaya kita hinanap eh" nahihiyang sabi niya kaya napatingin ako sa kanya na nagtataka. Siya? nag aalala sakin? Wow kelan pa?

"pwede ba Geo parang kang worried boyfriend ko diyan" di ko alam pero un ung nasabi ko siguro nga lasing lang ako

"umm Kitch"

"oh?" walang ganang sagot ko

"mm ano kasi eh" nahihiyang sabi

"ano?!" asar na tanong ko, ayoko sa lahat binibitin ako eh kung siya kaya ibitin ko patiwarik

"hmm Kitch... I think I like you" nahihiyang sabi niya at napakamot pa sa ulo niya.

I like you daw??? Ilang minuto ko siyang tinitigan sabay suntok

"what the?! Para san yun?!" inis na sabi niya at hinimas himas pa akong kaliwang pisngi na sinuntok ko

"nagulat ako eh magagawa mo" inosenteng sagot ko

"nagulat ka lang sa lagay na yun Kitch?! grabe ka pala magulat eh sana nainformed mo ko para alam ko" inis na sabi niya

Tumayo na ako at naglakad papuntang parking lot para umuwi ng maramdaman ko na nakasunod siya

From Good to EvilWhere stories live. Discover now