Chapter 20

11 2 0
                                    

A/N: I dedicate this part to my friend. Sapphire thank you sa pag gawa ng cover ko ah?

-----

Umalis na ko ng kumpanya ko at dumiretso ng mall para sa lunch namin ni Geo. Wala naman syang sinabi na susunduin nya ko. Tsaka ayoko mag hintay ng matagal sa office ko.

Pagpasok ko ng mall ang daming tao na nagkakagulo dun sa mini stage ng mall. Kung anu man yung pinagkakaguluhan nila wala akong pakialam dun. Mga taong wala lang magawa sa buhay yung mag aaksaya ng oras para makigulo at dahil bawat segundo ng oras ko mahalaga di na ko nag atubili pang makigulo pa dun.

Nagdiretso na ko sa exclusive na resto ng may nakabangga akong babae.

"watch your step Ms" pagtataray nya

"excuse me? diba dapat ako magsabi nyan sayo?" balik ko sa kanya

"di ka kasi nakatingin sa dinadaanan mo eh!"

"un naman pala eh... edi sana nag give way ka para walang problema" sabi ko at inirapan ko sya

"di mo ba ko kilala? huh? Sapphire Amethyst ang sikat na singer dito," pagmamayabang nya

Tinignan ko sya ng di makapaniwala. Really? Singer sya sa lagay na yan? Di halata

"ako di mo ba ko kilala?"

Tumingin sya saken ng naka cross arm

"no"

"well, para sa iyong kaalaman ako lang naman ung taong magpapabagsak sayo kung di mo itatahimik yang matabil mong bibig"

Mukang nagulat sya sa sinabi ko kaya nagwalkout sya. Buti naman. Dapat salita ko pa lang matakot kana..

Pumasok na ko ng resto ng makita ko si Geo na may kasamang babae, Ang landi talaga nya eh noh. Lumapit ako sa kanila. Halata mo namang nagulat si Geo sa pagsulpot ko. Medyo maaga pa kasi for lunch eh.

"alam mo kalalabas ko lang kanina ng kulungan, nakapatay kasi ako ng malandi eh at mukang makakapatay na naman ako kundi mo lulubayan yang bwisit na lalaking yan" seryosong sabi ko

"maawa ka sa sarili mo! ang panget mo naman kung itatabi mo ung sarili mo sa kanya! tsaka wag kang magpaloko dyan peperahan ka lang nyan" dagdag ko pa

Napatayo naman si Geo sa sinabi ko at sinamaan ako ng tingin.

"lalayas ka dyan o hahatakin ko ung buhok mo?" tanung ko dun sa babae

"panu nga pala nakapasok ang basura na gaya mo dito sa mamahaling resto na to?"

Tumayo na ung babae at padabog na umalis. Pag alis nung haliparot na un hinarap ko si Geo at tinaasan ng kilay saka umupo

"umorder kana nagugutom na ko" walang ganang sabi ko

Maya maya bumalik na sya sa table at umupo. Tumingin sya saken ng seryoso

"Kitch costumer ko yun eh" sabi nya na may halong pagkainis

"so? di ko tinatanong"

Bumuntong hininga na lang sya.

"I give up" sabi nya

"wala ng makakatalo sa katarayan mo" natatawang sabi nya

"sinu ba may sabi na magpapatalo ako?" tanung ko at sinimulan ng kumaen

"pero pag dating dun sa bata tiklop ka"

Tumawa sya na akala mo walang bukas kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"pwede ba? kahit sinu walang makakatalo saken"

"okay sabi mo eh"

After nyang sabihin yun tumahik na sya. Buti na yun para walang istorbo saken sa pagkaen.

From Good to EvilМесто, где живут истории. Откройте их для себя