chapter 1

116 5 0
                                    

hi! ako si peter paul at ito ang aking kwento.


mahirap talaga ang buhay sa koliheyo lalo na kapag bago ka pa lang salta. ang daming pagbabago tulad ng pagkalayo sa pamilya. paghahanap ng bagong mga kaibigan.panibagong kapaligiran at pamumuhay mag-isa sa tulong lamang ng sariling mga paa. kailangang bumangon sa umga. magluto ng makakain. maglaba ng sariling damit at iba pang gawaing bahay unpang umusad ang buhay sa araw-araw.

ngunit, sa aking pakiwari. hindi ko gaanoong naramdaman ang hirap sapagkat nakahanap ako ng pangalawang pamilyasa bubong ng inuupahan ko na apartment.

iba rito, maliban sa tahimik at may kalumaan na. masaya naman sapagkat nagtutulungan sila at inaalalayan ako.

kung minsa'y gumigising na ako sa umagang may nakahandang pagkain sa hapag at nakaplantsang uniporme. ang kaibahan lang ay ako lanmang ang natatanging estudyante rito na pumapasok sa paaralang SCAVENGER.

karamihan sa kanila ay mga trabahante ngunit hindi ko naman mawari kung saan sila namamasukan. medyou makaluma kasi sila pagdating sa pananamit.

may isang pamilya rin sa apartmen, kasama ang mga mumunting bubwit na mahilig maglaro.


minsan, dahil sa kakulitan, nakapasok ang dalawang bata sa aking kwarto isang gabi. hindi ko siguro naikandado ang pinto ng gabing iyon.

"halika ka kuya, maglaro tayo". nakangising sambit ni nena.

"kayo talaga mga bata, gabi na o. pasado alas-onse na. ginising n'yo pa ako". buong pasensya kong sagot.

"sige na kuya, gusto naming maglaro". nakangusong tugon ni bunsoy.

"hay, bukas na lang. wala naman akong pasok sa hapon, maglalaro tayo".

"pangako?".

"peksman," nakangiti na ako. ang kyut namn kasi.

"at saka bumalik na kayo sa kuwato niyo. hindi ba kayo hinahanap ng mga magulang niyo?"

hindi na sila sumagot sa tanong ko at buong tawang naghahabulan palabas ng pinto. malayo man ako sa aking pamilya. hindi ko talaga gaanong naramdaman ang lungkot dahil sa pamilyang kasama ko sa apartment. masaya sila. larawan ng isang kontentong pamilya.

may mga kaedad din akong kasama sa apartment. marami sila. lalake. babae.palakaibigan ang karamihan.

sa katunayan, wala na akong ganang makipagkaibigan sa eskwelahan dahil sa kanila. maliban na lamang sa aking seatmate na walang imik.

ngunit masarap sa pakiramdam tuwing masisislayan ko ang matatamis nilang ngiti. tila ba may hipnotismong nakabalot sa aking katawan pag nangyayari iyon. tinutulungan din nila ako sa paglalaba kung minsan.

ang nakapagtataka lang ay hindi ko pa sila nakitang naglalaba ng kanilang damit kahit meron namang ibang nakasampay. hindi ko lang siguro makita kasi pumapasok ako at nag-aaral. hindi ko rin sila nakikitang lumalabas ng gate sa katunayan. minsan, inisip ko na lang na baka hindi ko lang matiyempuhan.

sa lahat ng kababaehan sa apartment, nagkaroon ako ng matalik na kaibigan. siya si athena. maganda ang kanyang kabuuan. kulay-dugo ang perpektong labi.

maitim at abot sa kanyang bewang ang malambot na buhok. matangos ang ilong at nangungusap ang mga mata. siya'y ubod ng puti na parang wala na siyang dugo sa katawan. hindi naman kasi siya lumalabas ng bahay. ang totoo niyan, hindi talaga siya umalis sa kanyang kuwarto ng katabi sa akin.

Nakilala ko lang siya ng isang gabi, galing ako sa kusina, narinig ko siyang umiiyak. bahagyang nakabukas ang pinto kaya pumasok ako. nagulat ako dahil lahat ng bagay sa loob ay antigo. saglit lang akong nakiramdam sa mahalumigmig at makalumang paligid na siyang dahilan sa unti-unting pagkalula. ngunit, bigla akong natauhan nang natanaw ko siyang may idinikit sya na matalim na bagay sa kanyang pulso.

"huwag!" napatingin siya sa kin doon lang siguro niya ako napansin.

"sino ka?"

"ako si peter b-bagong nangungupahan rito, sa may kabilang kwato". nakaramdam ako ng takot, bumilis ang tibok ng aking puso iyon ay paano kung tuluyan niyang gawin ang kanyang masamng balak? ngunit kailangan kong magpakatatag.

"bakit ka umiiyak binibini? a-anong gagawin mo sa kutsilyo? pasensya ka na, bukas kasi ang pinto kaya pumasok na ako. nais ko lang sanang makatulong."

lalo pa siyqang naiyak, mas malakas. "hindi ka na sana pumunta rito." garalgal ang kanyang boses.

lumapit ako sa kanya at akmang kukunin ang kutsilyo sa kamay niya ng bigla niya akong niyakap. ang lamig ng katawan niya pati narin ang mga kamay niya.

"tulungan mo ako peter. tulungan mo kami."

bakit? sabihin mo lang anong problema."

hinagod ko ang kanyang buhoj at napatingin sa salaming nasa harapan. bakit duguan ang kanyang damit? dali-sdali akong napabitiw at tinignan ng maigi ang kanyang suot ngunit wala naman akong makitang dugo.

"bakit peter?"

"dugo."

"dugo? wala namang dugo dito peter."

"p-pasensya na. b-baka namamalikmata lang ako. m-medyo pagod rin ako kanina sa paaralan. pasensya na." utal utal kong sabi.

inalis ko sa aking isipan ang imahe at buong-pusong nakinig sa kwento ni martha. nalaman ko na mabigat pala talaga ang dinadala niyang problema.

namatay di umano ang kanyang mga magulang nang lusubin ng mga rebelde ang kanilang bayan. nawalan siya ng ganang lumabas sa man lang ng kuwarto o pumasok sa eskwelahan.

dagdagan pa ng pagtataksil ng kanyang nobyo na si badong at kaibigan na si juana na kapwa kasamahan namin sa apartment. nakaramdam ako ng galitkay badong kasabay ng pagsilay ng awa para kay athena.

mula noon, gabi-gabi ko ng naririnig ang hagulhol ni athena dahilan upang hindi ako makatulog ng maayos. pumupuslit ako sa kwarto niya upang pagaanin ang kanyang loob. naglalaro kami ng jack-en-poy kahit malalim na ang gabi atr nagtatawanan kahit sa mga walang kwentang bagay.

sa tagal din ng panahong magkasama kami, nagustuhan ko ang aking ginawa. ninais kong alagaa't protektahan siya mula sa sakit ng kanyang kahapon.

hindo ko naintindihan ang aking naramdaman hanggang sa naliwanan ako ukol dito nang isang gabi, binangungot ako tungkol kay athena.






next chapter----->





apartment [one shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon