Rad
"Huh! Ang sakit sa likod" si aly na pabagsak na ibinaba ang mga gamit sa tabi ko.
"Grabe ha? Ang dami nyan haha" pansin ko sa dala nya.
"Mas marami kaya yung kela kim" sagot nya habang nag iinat ng likod
"Kim, kahit kelan talaga ang bagal mo" reklamo ni mela
"Oh kung tulungan mo kaya ako sa pag bubuhat ng mga gamit natin ng mas mapabilis ano?"
Natawa nalang ako sa nakita ko dahil isang maleta ang hila hila nya at dalawang bag ang naka sukbit sa magkabilang balikat nya
Grabe ha? Isang lingo lang kami dito pero parang lahat ng gamit nila sa bahay eh dala na nila.
Naiwan pala sina ara at bang sa manila pero susunod din naman sila baka nga maya maya lang nandito na sila sa Palawan, oo sa palawan akala ko naman kung ano nang sorpresa ang meron sila umasa pa naman ako na baka surprise wedding ang ibigay nila saamin eh hindi naman pala :( ako na ang assumera no? Atleast hindi iligal tong pag a-assume ko. Ikaw ba naman ang manganak na't lahat lahat hindi ka parin niyayayang magpa kasal.
"Ayan na yung sasakyan" singit ng mahal ko habang buhat buhat si baby na sarap na sarap sa pag tulog.
"Ma'am pasensya napo medyo nagka aberya lang nasira kase yung gulong nung dapat na sasakyan natin kaya ipina kuha ko nalang itong isang sasakyan" paliwanag ni manong driver saamin habang isa isang ipina pasok ang mga gamit sa sasakyan
"Ok lang po" si aly na ang sagot
"Sampung minuto lang naman po ang byahe papunta sa hotel mga ma'am kaya makakapag pahinga na po kayo maya maya lang"
Hindi nga nag tagal at narating namin kaagad ang tutuluyan namin.
Pagpasok palang namin ng hotel may mga sumalubong saaming mga sumasayaw.
"Bakit parang tayo lang yung guest??" Takang tanong ni denden
"Ewan? Hindi naman kase summer kaya baka wala masyadong turista?" Sagot naman ni aly.
"Mag pahinga na muna tayo" singit ni kim
.
.
"Hon.. pahinga kana muna mamaya na yan sabayan mo si baby sa pag tulog may aasikasuhin lang ako sa baba" hinalikan nya lang ako sa may noo pati narin ang bata
"Bilisan mo nang makapag pahinga ka rin huh"
"Yes captain" at sumaludo pa sya saakin bago tuluyang lumabas.
Pagtingin ko sa oras mag a-alas nuebe palang naman maya maya pa siguro darating yung kapatid ni Jov kasama ang papa nya para kunin si baby gusto kasing makasama ng matanda ang apo nya kaya ng malaman nilang mag babakasyong kame rito ay nag aya din syang mag bakasyon. Hindi ko nga naitanong kung saan sila tumutuloy dito.
"Ang cute ng anak ko" at hinalikan ko sya sa pisngi bago ako tuluyang pumikit para umidlip.
.
.
Nagising ako dahil sa mahinang musika na nang gagaling dito sa mismong kwarto na tinutuluyan namin. Napangiti nalang ako ng mapag tanto ko na ang paborito kong kanta ang tumutugtog at alam ko kung sino ang nagpapa tutog nito.
Pag tingin ko sa wall clock mag a-alas dos na pala ng hapon at gutom na ako -_- wala na si baby sa tabi ko baka kinuha na nila kuya, hindi manlang ako ginising.
Naglakad ako patungo banyo para mag bihis ng may makita akong naka dikit na note sa may salamin.
"My love for you is like a mirror. You can break it into pieces but when you look closely, you're still in it hon :) "
BINABASA MO ANG
keeping closer (Gonzaquis,Bara,Fatunay,Alyden)
RomanceTrue love? Happy ending? Meron ba nyan? Sa mga tambalang Gonzaquis,Bara,Fatunay at Alyden? Let's find out as you read this story.