.
.
Ara...
"Miks"
Lumapit sya sakin ng marinig ang sinambit ko at ang sama ng tingin nya
"Hannah. . . Hannah ang pangalan ko.. kamukha ko ba talaga si mika?"
Wala akong nasagot sa sinabi nya.. hayy.. bakit ba? Eh magka mukha naman talaga sila. Kaso wala talagang gustong lumabas sa bibig ko pano sobrang lapit nya sakin.
"Tsss... naputol siguro ni Justin jade yung dila mo" sabi nya at kinuha na ang pagkain na inihanda nya "halika lapit ka sakin para masubuan nalang kita" tawag nya sakin.
Hindi bagay sakanya yung pangalang Justin. Jade nalang itatawag ko sakanya para mas girly hahaha.
"Ako na.. kaya ko naman" pag tanggi ko ng akmang susubuan nya ako
"Ok. Serve you're self" at tumayo sya umakyat siguro ulit sa kwarto nya dahil naiwan ako dito sa kitchen
Ng matapos ako sa pagkain nagtungo muna ako sa living room at dahan dahang naupo kumirot parin kase ang buong katawan ko sa sakit.
"Ahhh.. sakit." Ng makaupo na ako.
Pinag masdan ko ang buong paligid ng bahay..
Hmmm.. may taste sya huh. Ganda ng mga gamit nya at napaka organisado.
Pumikit lang ako at ipi ahinga ang utak ko. Maliban sa katawan masakit utak ko sa kakaisip kung san ako hahanap ng walang hiyang couches na yan.
"Huy... bat dito ka natulog" kalabit nya sakin
"Hmmm??" nagmulat ulit ako at tumingin sakanya "hindi ako natutulog... nag iisip lang..."
"Kung pano makaganti kina justin?" At tinaasan nanaman nya ako ng kilay.
Tss. Taray talaga.
"Hindi.. quits na kaming dalawa, nabugbog ko sya at nabugbog naman nila ako haha"
"Good. Akala ko gaganti ka dahil na argabyado ka" naupo sya sa may tabi ko
"Naargabyado? Tama nga naman noh. Dapat talaga akong gumanti sa ginawa nila.. aray!" Hawak ko sa balikat ko dahil sinuntok nya ako kahit na hindi masakit yung pagkaka suntok nya eh doon sa may pasa ko tumama yung kamay nya
"Ayan.. hindi lang yan ang makukuha mo pag gumanti kapa" irap nya sakin
"Sus! Eh ang daya naman kase nung taong yun ang dami nila kanina" reklamo ko habang hinihimas parin yung sinuntok nya
"Diba sabi ko mag iingat ka kase hindi sya nagbibiro at babalikan ka talaga nya" sabi nya ng hindi naka tingin sakin
"Nag iingat naman ako ah tsaka natsempuhan nyalang ako kaya ayun naka tsamba" ngisi ko
"Hindi tsamba ang tawag dun dahil sinadya nila yun"
"Aber, at pano mo naman nalaman?" Tanong ko sakanya at ayun tumingin din sya saakin
"Hmm... wala.. basta"
"Ano yun? Manghuhula kana pala?"
"Hindi.."
......
Hannah
"Hindi" sagot ko nalang sakanya
"Eh paano mo nga nalaman?" Pangungulit nya
Kahit na puro pasa na ang naabot nya heto parin sya at kinakausap ako.
Alam ko naman na ako ang maykasalanan nang mga nangyari sakanya kanina dahil nga doon sa ginawa nyang nong nasa parking lot kami.
BINABASA MO ANG
keeping closer (Gonzaquis,Bara,Fatunay,Alyden)
RomansaTrue love? Happy ending? Meron ba nyan? Sa mga tambalang Gonzaquis,Bara,Fatunay at Alyden? Let's find out as you read this story.