ara's pov
tatlong araw narin kaming nandito ni shiela sa Pampanga at oo, sumama talaga sya dito sakin at mas marami pa syang dalang damit kesa saakin.
kakarating lang namin ni shiela dahil inasikaso ko ang mga huling kakaylanganin para sa opening ng restaurant sa sabado, isinasama ko sya pag may lakad ako para naman hindi sya ma-boring dito sa bahay.
naka upo lang ako sa sofa dito sa living room habang pinapanuod si shiela na nakikipag laro sa kapatid ko at sa mga pinsan ko ng x-box.
*flash back*
pagkarating na pagkarating namin sa bahay kaagad namang naka salubong sina mama at kuya.
pagka baba namin ng sasakyan ni bang nakita ko ang ngiti ni mama na kakaiba at ang nakaka lokong ngiti ni kuya kaya naman napapa iling nalang ako.
"ahm, si mama at si kuya nga pala" sabi ko kay bang ng nakalapit kami sakanila
"hi, anong pangalan mo bayaw?" tanong ni kuya
"hoy! anong pinag sasabi mo dyan?!" suntok ko sa braso ni kuya at nagmano ako kay mama habang si bang naka ngiti lang
"shiela" maikli nyang sabi at inabot nya ang kamay nya kay kuya tapos nagmano kay mama
habang ako naman kinuha ko ang mga gamit namin pati narin ang pasalubong sa pasengers seat sa likod.
"oh tulungan na kita" dinig kong alok ni kuya na nasa likod ko
"oh? nasan yung dalawa?" tanong ko at binigay ko nalang sakanya yung mga pasalubong ko at ako na ang nagdala ng mga gamit namin
"nauna ng pumasok" sabi nya ng naka tawa at siniko ako "sya nalang, magka sundo sila kaagad ni mama oh" sabi nya ng pataas baba ang kilay
"sumama lang yung tao sakin dito kung ano ano na ang iniisip mo" sabay irap sakanya at nauna na akong pumasok sa bahay pero kaagd naman nya akong nasabayan sa paglalakad
"haha.. pero hindi nga, diskartehan mo na. single kanaman at napaka tagal na" pang iinis nya sakin
"may girlfriend yung tao tapos kung ano ano pinag sasabi mo" sabi ko at dumiretso pakyat ng hagdan "oh? san ka pupunta?" tanong ko sakanya dahil naka sunod parin sya saakin
"tsk. oh di kung wala may chance? hahaha.
dito sa kwarto mo, nandyan kaya si josh kanina kapa hinihintay" sabi nya at pinihit ang doorknob
pagka kita sakin ni josh kaagad syang tumakbo papunta saakin at niyakap ako sabay pinaulanan ako ng halik sa cheeks
"haha namiss mo ako noh??" tanong ko sakanya
"ba syempre, nasan yung pasalubong mo sakin?" prangka nyang tanong
"kamustahin mo muna ako" sabi ko sakanya at naupo sa kama sabay alis ng sapatos at nagsuot ng tsinelas
"kamusta? ayan, nasan na?" tanong nya ulit
"nasakin haha" taas ni kuya sa mga paper bags na dala dala nya
"uy, san yung sakkin dyan?" tanong nanaman nya at lumapit kay kuya
"dun natin tignan sa sala, nga pala. may dalang babae yang si ara, tara pakilala kita" pag aya nya kay josh at lumabas na sila ng kwarto
"hoy! wag nyo pagtripan yan ah!" sigaw ko at narinig kong tumawa sila.
*end of flash back*
magsimula nung dumating kaming dalawa parang sya ang anak nila at kapatid. mantakin mo ba naman na ako tong anak nila pero sya ang mas pinag sisilbihan.
"kapatid! lalim ah? hindi ko na kayang hukayin yan" siko sakin ni kuya na naka upo sa tabi ko
"tsk! naalala mo ata na ako yung kapatid mo?" irap ko sakanya
"haha.. selos ka sakanya? ano kaba naman. ikaw nanga tong ginagawan namin ng pabor ikaw pa tong nag iinarte ng ganyan?"
"anong pabor yan aber?!"
"uhmm simple lang, pinapa lakas ka namin sakanya. tsaka akala ko bang may syota? eh sabi nya wala naman"
"meron yan, nagka tampuhan lang sila. tsaka anong pinapalakas? hindi naman ako naghihina" irap ko sakanya
"hayy.. kungbaga, nilalakad ka namin.." tapik nya sa likod ko
"aysh.. wag ka nga, sabi ng may girlfriend yung tao" iritable kong sabi sakanya
"haha.. chill kalang. tsaka ano naman ngayon kung may syota sya? yun ngang may asawa nasusulot pa. yan pa kaya" mayabang nyang sabi
"so gagawin mo akong sulotera? ganon ba?" tanong ko sakanya
"ha! hindi rin. sya nanga mismo ang may sabi na wala nga syang girlfriend" sabi nya at tumayo "papasok na ako bye, kaylangang kumayod haha.." sabi nya at lumakad papuntang kitchen "ma! pasok na ako! yung bayaw ko wag mo pabayaan ah!" sigaw nanaman nya kaya naman napatingin ako sakanya ng naka kunot ang noo at kinindatan nyalang ako.
pagtingin ko kina bang, busy lang sila sa pag lalaro at salamat naman dahil mukhang hindi nya narinig ang sigaw ni kuya.
naka tingin lang ako sakanila ng napa tingin saakin si bang at nginitian ako kaya naman nginitian ko narin sya.
TBC
BINABASA MO ANG
keeping closer (Gonzaquis,Bara,Fatunay,Alyden)
RomantikTrue love? Happy ending? Meron ba nyan? Sa mga tambalang Gonzaquis,Bara,Fatunay at Alyden? Let's find out as you read this story.