Shiela
Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin bago ako tuluyang lumabas ng kwartong to.
Pag-gising ko wala na akong katabi
"Nasan na yun?" Tinigna ko sa may sala walang tao kaya nag tungo ako sa kusina pero wala ding tao. "Ara??" Medyo malakas ang pagkaka tawag ko.
Bahay ito ni ara at dito na ako naki tulog dahil inabot kami ng madaling araw kanina sa pakikipag kwentuhan sa buong barkada.
May narinig akong umiiyak kaya umakyat ako sa kwarto kung saan natulog sina rad
Pag bukas ko ng pintuan nakita ko syang nagpapa breast feed na sa bata habang kalong kalong ito.
Dito na namin sila pina tulog para hindi na mag drive si jov dahil medyo naka inom silang mag kakaybigan kagabi pero sina kim at aly naka uwi pa ng maayos. Iba na kase ang sitwasyon nitong si jov dahil may junior na sya haha.
"Oh? San si jov?" Tanong ko ng maka upo sa tabi nilang mag ina "good morning baby" hinaplos ko ang mukha nyang makinis
"Baka nasa baba na? kasi ginising nya ako kanina para ipa alam na lalabas lang sila ni baby para paarawan daw kaya natulog nalang ako ulit pero pag gising ko etong bata nalang ang katabi ko" sagot nya ng naka tingin sa bata
"Huh? Eh kanina ko pa rin hinahanap si ara"
"Baka lumabas lang sila?" Sya
Nag kibit balikat nalang ako at ng matapos sya sa pag papa dede sa bata inaya ko sya na doon nalang kami mag stay sa sala.
"Kumain ka na?" Tanong nya ng maka upo kami sa sofa habang karga karga ko ang bata
"Hindi pa nga eh"
"Gutom na ako. Teka tignan ko baka may niluto sila" paalam nya at nag tungo sa kusina
"Baby nasan na kaya yung tita ninang mo huh? Magka sama pa sila nung papsi mo perehong wala eh" nakaka tawa mang isipin pero kinakausap ko talaga tong cute na batang to na 3 month's old na.
Para ngang na iintindihan nya ako dahil naka ngiti syang naka tingin saakin.
Maputi ang kutis nya at matangos din ang ilong.
"Suntukin mo si tita ara mo pag dumating sila ha? Sabihin mo wag silang aalis ng hindi nagpapa alam"
"Para kang sira ulo dyan eh. Kinakausap mo yung bata akala mo naman sasagutin ka nyan" naupo na sya sa tabi ko at ini lapag ang dala dala nyang slice ng cake at pizza "hindi manlang nila tayo ipinag luto" dagdag nito at akmang susubo na sya ng umiyak si Gleen
"Anak naman... gutom ka nanaman ba? Huh?" Kinuha nya saakin ang anak nya
Gleen Paul ang ipinangalan nila sa anak nila. Ewan ko ba kung sino sa kanilang dalawa ang naka isip sa pangalang yun.
"Bang subuan mo nga ako"
"Gawin daw ba akong Yaya" reklamo ko pero sinusubuan ko na sya
"Oh sige ikaw magpa dede sakanya"
"Gaga! As if namang may lalabas na gatas"
"Baby hindi ka naman gutom eh.. niloloko mo si mommy" at ang loka. Talagang sumimangot pa sa harapan ng bata kaya ayan at napa iyak nanaman ang anak nya
"Huy! Ano ka ba." Suway ko
"Bakit? Anong ginawa ko?" Maang nya "sshhh.. tahan na.. di naman galit si mommy" tumayo sya at nag sasayaw ng wala sa oras habang pinag hehele ang anak nya.
"Ang galing mong dancer haha" biro ko sakanya habang kumakain
Bineletan nya lang ako at ipinag patuloy ang ginagawa nya pero hindi parin tumitigil ang bata sa pag iyak.
BINABASA MO ANG
keeping closer (Gonzaquis,Bara,Fatunay,Alyden)
RomanceTrue love? Happy ending? Meron ba nyan? Sa mga tambalang Gonzaquis,Bara,Fatunay at Alyden? Let's find out as you read this story.