Chapter 1

24 4 1
                                    

DEFYING GRAVITY

Chapter 1 - Best Friend

[Hannah's P.O.V.]

"Hannah! Gising na! Tanghali na!" Sigaw sakin ni tita Jo.

'Hay. Ano bayan! Ang sarap sarap ng tulog ko eh!'

"Wala po kaming pasok!" sigaw ko para marinig niya ko. Pero gising na ko dahil sa sigaw ni tita. Pano ba naman ako di magigising e sobrang lakas ng boses ni tita. Dati kasi siyang entertainer sa Japan. E singer pa naman, soprano pa. Parang sirena ng bumbero. Nakakatulilig.

Dahil mejo ayoko pa bumangon, tinakpan ko ng unan yung tenga ko.

I heard someone open the door but I ignore it.

"Choy!" narinig ko si Tot pero di ko siya pinansin.

Naramdaman kong umupo siya sa kama ko.

"Taba! Gising na." hinila ko yung kumot sa may bandang bewang ko tsaka ko tinakip sa ulo ko to show him na I don't wanna wake up yet.

Ano ba! Di pa nga ko maka get over dun sa naisip ko last week. One week ko na rin siya iniiwasan. Pero sabagay, parang wala naman talaga. Pogi lang talaga tong best friend ko. So erased na talaga yun!

Nang gugulo naman to ngayon, kasi nag punta ng mga probinsya yung mga barkada niya. Dapat kasi nag bakasyon na rin tong mokong to eh. Iniistorbo tuloy tulog ko! >.<

Tumayo siya "Aba! Di ka talaga babangon ah!" binantaan pa niya ko, pero wala kong ginawa.

'Huh! Manigas ka jan'

Tumalon talon siya sa kama tsaka ko inalog alog.

"Babangon na!" pagsuko ko sa kanya.

'Nakakainis naman to! Gusto ko pang bumalik sa dream land ko. Kung saan lahat ng problema ko wala. Syempre kasama siya dun. Kasama siya sa wala.'

Umupo na ko. Baka kilitiin pa ko nitong lokong to eh.

I glared at him. Ang weird kasi makatingin.

"Ano?!" may sabay kamot pa ng ulo.

"Choy, ang baho ng hininga mo."

Ang nice niya no? Umagang umaga ganyan sasabihin sayo.

"Good morning ha!" I greet him.

"Grabe talaga yung amoy." pang aasar niya.

"Syempre! Bagong gising!" sigaw ko sa kanya.

"Alam mo yung amoy patay na daga?"

Grabe! Patay na daga agad? akala mo di mabaho yung sa kanya pag siya yung bagong gising.

"Ah ganon?" sabay taas ng isa kong kilay.

Tinakpan niya yung ilong with matching salubong na kilay.

Konti konti kong nilapit yung muka ko sa kanya.

"H-hoy. A-anong gagawin mo?" konti konti rin siyang umaatras. Nilagay niya yung mga kamay niya sa likod niya. Para siguro suportahan yung sarili niya sa pag atras.

Hinawakan ko yung mga pisngi niya and there's just 3 inches between us.

Nanlalaki na yung mga mata niya.

Gusto ko ng tumawa sa itsura niya pero di pa ko tapos no!

2 inches, 1 inch "WAH!!" binugahan ko siya ng hininga.

Buti nga sa kanya! Bwahahaha!

I laugh hard.

Pano ba naman hindi, e yung muka niya parang nandidiring bading.

Defying GravityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon