DEFYING GRAVITY
Chapter 2 -
[Hannah's P.O.V.]
Tapos na kong maligo! (Evil laugh) Nag toothbrush na din ako! Di na ko bad breath!
Nilabas ko muna yung ulo ko sa pinto.
'Ha! Wala si tot dito.' I grinned.
Makakapag bihis ako ng matino! Buti nalang lumabas siya. Ang pervert pa naman nun. Pero sa ibang girls lang naman. Alam ko namang kapatid na turing sakin ni Jayson.
Eto na. 1, 2, 3, Takbo!!!
Tumakbo ako papunta sa pinto to lock it. Mabuti na yung sigurado no
Hmm. What to wear? What to wear?
Dahil nandito naman ako sa bahay. T-shirt nalang isusuot ko at sweat pants.
I look at the mirror
'Hay Hannah, ang galing mo talaga pumorma! Ayos yan!'
Inirapan ko lang yung sarili ko sa salamin.
Eh wala naman kasi akong balak mag suot ng mga dress dress na yan. Mas komportable ako sa ganto.
May walk in closet nga ko na pinaayos ni tita, puro dress, blouse, heels naman yung nakalagay. Puro galing sa botique niya. Hindi ko naman masuot kase walang bagay sakin. T-T
Hindi ko nga ginagamit yung mga nandun e.
E ano isusuot ko? Nandito pa naman si Jay. Alangan namang mag dress ako? Baka pag tawanan lang ako nun. T-T
Syempre, nasanay na kong ganito sa harap niya simula nung maging kaibigan ko siya. Napagalitan kaya ko dati ni tita Jo dahil malandi daw ako. Kaya ayoko na mag ayos ng maganda. Tsaka baka narinig ni Jay yung sinabi sakin ni tita dati, nakakahiya.
Tsaka baka maraming manligaw sakin kapag nag ayos ako. Ang ganda ko kaya! oh! Ang kapal lang ng muka? Syempre! Sino ba naman napapangitan sa sarili? Kapag pangit ka tapos pinroblema mo pa yung face mo dahil napapangitan ka, pakamatay ka na lang. Joke! But I believed that every person has their uniqueness even if they're not perfect. Actually wala naman talagang perfect sa mundo and that unperfectness make them beautiful.
Oh! Pang Ms. Philippines lang!
Babaeng babae naman ako e. Pero deep inside lang.
Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ako nag papaka boyish. Feeling ko kasi di bagay sakin eh. Parang masyadong agaw pansin kapag ganun yung suot. Ang nasusuot ko lang talaga na pang babae ay yung uniform sa school namin.
Sem break nga pala ngayon, kaya kami walang pasok. Ang weird no? Hindi pa naman kami college pero may sem break na. Mas gusto ko kasi pag may pasok eh. Taray no? Ang sipag lang ng lola niyo. Well, di naman sa nag mamayabang, honor student kasi ako.
Gusto ko kasing maging proud sakin si tita. Wala pang Jayson Park sa buhay ko. Kase iba yung school niya sakin.
Oo nga pala! Park ang surname niya. Half Korean si Jayson di lang halata. Kay tita Fe kasi namana most of his looks. Dito pa siya sa Pilipinas lumaki kasi ayaw nila tita sa Korea. Nandito narin ang business nila sa Philippines.
*GRRRRRRRRR* (sound effect yan. Walang kokontra. hehe)
HAHA! Tumatawag na ang aking tyan. Gutom ka na ba tyan? Kain muna!
Lumabas na ko ng room ko then nag punta ko sa salla to check on tot. He's laying on the sofa and watching a cooking channel. Kusina Master yata yun. Haha! Di ako makapaniwalang nanunuod siya nun. Mas gusto kasi niya yung mga action and sports, what a usual boys like to watch.
BINABASA MO ANG
Defying Gravity
Teen FictionBoyish, tomboy, tibo, lesbi. Yun ang gusto niya ni Hannah na maging impression sa kanya ng mga tao. Nagpapakaboyish siya, dahil takot siya na mangyari sa kanya yung mga sinasabi ng tita niya. Na iiwan lang daw siya ng lalaki, pagsasamantalahan, papa...