Chapter 4

32 1 0
                                    

DEFYING GRAVITY

Chapter 4

[Hannah's P.O.V.]

Wooh! Ang sarap sa 'Bam Car'! Lalo na kung mas magaling kang mag drive sa mga kasama mo.

"Tot!" Binangga ko si tot tsaka ko tumawa ng malakas. Masarap mangbanga pero masakit din sa leeg ah.

"Humanda ka choy!" sigaw ni tot sakin. Nag drive siya palayo para bumwelo pero nung papunta na siya, iwas lang ako ng iwas kaya di niya ko magantihan ng malakas.

"Bungguin natin si Mark!" sigaw ko kay tot. Tumingin sakin si Mark na medyo mukang worried. Syempre, pagtutulungan namin siya ni tot.

Magaling sa tagalog si Mark. Alam ko kase tagalog salita niya dati. Nasanay lang sa english kaya parang na o-awardan pa siya mag tagalog, kaya alam kong he clearly understand us.

Ang galing din nito umiwas eh. Kanina ko pa hinahabol pero di ko mabangga. Si tot naman parang ewan mag drive. Di ko alam kung sinasadya niya o ganun talaga siya.

Hinabol na ni tot si Mark tapos nag drive naman ako papunta dun sa pupuntahan niya para magkasalubong yung way namin para malakas yung impact. I bit my lower lip as I drive there then "Boom!" we shouted. Kami palang ni Mark yung nag kakabungguan then dumating si tot and ayun, double kill! We laugh in unison and we heard a loud sound that signal us that the time is over.

Tumayo na kami sa kanya kanya naming cart and went to the exit.

"So, anong next?" Tanong ni tot.

Habang nag iisip ako kung ano ang susunod namin gagawin, nakarinig ako ng malakas na sigawan na galing sa taas.

I smiled widely. "Roller coaster."

[Jayson's P.O.V.]

Ang saya sa bam car! Lalo na kapag nabubunggo ako ni choy. Marunong ako mag drive pero anong silbi ng bam car kung di kayo mag bubungguan diba? Tsaka natutuwa kasi ako kapag binubunggo ako ni choy. Sobrang saya niya kase. Masaya na ko kung masaya siya.

Aigoo! Nagiging cheesy na yata ko. Para bang bading? Pero ok lang yan, masaya naman kami ngayon, masaya naman si Hannah ngayon at iyon ang importante.

"So, anong next?" tanong ko sa kanila. Actually kay choy ko lang tinanong. Na o-op na kaya tong si Mark. Pero silent type naman talaga to dati pa. Ako kasi talaga yung madaldal sa aming tatlo kahit bata pa kami. Pero palaging nakukuha niya yung gusto niya. Ano bang meron sa tahimik na lalaki?

Napatingin ako sa taas dahil sa sigawan.

"Roller coaster." Sabi ni choy habang ngiting ngiti siya.

Tumingin ako kay Mark tapos kay choy. Si Mark tahimik lang, mukang ok lang sa kanya na sa roller coaster. Parang pa cool lang. Si choy naman mukang excited. Ako di ko alam kung anong itsura ko, pero pinagpapawisan ako ng malamig.

"I'll buy the tickets." Prisinta ni Mark. Nag smile siya tapos dumeretso na sa ticket booth.

"Tot! Pila na tayo dali. Medyo mahaba yung pila kaya pumunta na tayo dun kahit wala pang ticket. I save nalang natin si Mark." Hinawakan niya ko sa braso at hinila papunta sa pila ng roller coaster.

"Uhm. Pwede bang kayo nalang?" sabi ko ng mahina kay choy.

Tumitig siya sakin ng parang nag tataka. "Bakit? May nararamdaman ka ba?" Pag aalala niya.

"A-ah. W-wala." I said then pinunasan ako ni choy ng panyo sa muka. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Sobrang lapit kasi niya sakin.

Wah! bat ganto ko? Nababading na ba ko?

Defying GravityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon