DEFYING GRAVITY
Chapter 3
[Jayson's P.O.V.]
4 days na kong umiiwas kay choy. Mahal ko talaga siya e, ayoko lang talagang aminin sa sarili ko kasi ayokong mainlove sa isang tomboy lalong lalo na kung nakasalalay dito ang pagiging mag best friend naming dalawa.
Alam naman ng lahat na kapag tomboy, kapwa babae ang gusto nila. Iyon palang, alam ng alam ng hindi kami pwede. Pero mahal ko talaga siya. Pero siya kaya? Aamin ba ko o hindi?
T-T
"Ang lalim ng iniisip ng anak ko ah." Nasa gilid ko na pala si mommy, di ko alam.
"Mi! Nandyan ka pala?"
Ngumiti lang si mommy kaya ngumiti nalang din ako. Parang di ko pa kasi kayang mag open up. Na gets naman ni mommy yun kaya umalis na siya papuntang kusina.
Eto ako ngayon, Nasa bintana, nakatingin sa bahay nila choy. Umaasa na lalabas siya para makita ko siya
Hay puso. Bakit ba kasi sa kanya ka tumibok? Pwede namang si Mitch nalang, patay na patay naman sakin yun. 100% girl na, maganda pa!
Pero mas maganda si choy eh.
Mas mahal ko si choy. [>.<]
Hay buhay. Siguro kailang ko nga ng advice.
"Siguro pagod na pagod na si Hannah, noh?" Ano daw sabi ni mommy?
"Po?" Kunwari di ko siya narinig pero ang totoo, di ko talaga siya naintindihan.
"Kanina pa siya tumatakbo eh. Siguro pagod na yun." Ang gulo ni mommy.Nasa loob naman ng bahay nila si choy, paano tatakbo yun? Lumabas ba siya kanina?! Ano bayan! Kanina pa ko nag aabang dito pero wala pala siya?
"San po?" Syempre concern din naman ako kay Hannah, kaya tatanungin ko na si mommy kung nasan siya. Baka makasalubong pa nun yung messenger nung isang araw. Muka pa namang manyakis yon.
"Dyan oh." Tinuro ni mommy yung ulo ko. Hinawakan niya ko sa pisngi "Puntahan mo na kaya siya?"
"Mi, mahal ko po si cho- I mean Hannah." I've said it. Syempre nahihiya na kong itago kay mommy yung nararamdaman ko. There's no point of lying, besides alam naman ni mommy mga secret ko. Di nga lang yung tungkol kay choy.
"Alam ko." Alam niya? Baka naman sa tingin niya parang kapatid lang.
"Mahal po as in mahal. Hindi po yung mahal in ah best friend way." I made it clear.
Syempre sinabi ko na kay mommy. Open naman kami sa isa't isa e. Sa mga panahon pa namang ganto, syempre kay mommy ako manghihingi ng advice. 'Mother knows best' nga diba?
"Alam ko nga." Alam niya talaga? Pero pano? Wala naman akong nasasabi kay mommy. Wala naman din akong nabanggit na crush ko si Hannah dati.
"Pano niyo po nalaman?"
Ginulo ni mommy yung buhok ko. "I know because I carry you 9 months inside me," Kinurot niya naman yung ilong ko. "raise you properly," hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko. "and love you for all my life. Hindi mo man sabihin yang nararamdaman mo, alam ko. Kung nahihirapan ka na sa pag tago niyan" tinuro niya yung dibdib ko. "ilabas mo na."
I hug her "Thanks mom." and kiss her on the cheeks. Papunta na ko ng pinto pero tumigil ako "Mom!"
"Yeah baby?"
"I love you too, so much!" I really love my mom so much. Alam ko naman love na love niya din ako. Baby pa nga turing sakin ni mommy. Kahit na nakakahiya ako kapag nasa labas kami, a part of me is proud kahit na super pag be-baby yung ginagawa niya sakin.
BINABASA MO ANG
Defying Gravity
Teen FictionBoyish, tomboy, tibo, lesbi. Yun ang gusto niya ni Hannah na maging impression sa kanya ng mga tao. Nagpapakaboyish siya, dahil takot siya na mangyari sa kanya yung mga sinasabi ng tita niya. Na iiwan lang daw siya ng lalaki, pagsasamantalahan, papa...