Chapter 1 - The Past

89 4 0
                                    

Chapter 1 - The Past

Isang taon...


Isang taon na ang nakalipas...


pero hindi pa din ako nakaka-move on.


Masyado ko pa lang inubos ang panahon at oras na mahalin siya. Binigay ko lahat ng pagmamahal ko sakanya at wala ng natira pa sakin...


Siya na ang naging buhay ko


Naging Happiness ko


At alam kong siya lang din ang makakapag pasaya ulit sakin ngayon..


Diba ganun naman talaga? Siya ang nag cause ng sakit na nafe-feel ko ngayon at alam kong siya rin ang magca-cause paano ulit ako sasaya...


kasi siya lang naman ang happiness ko..


At alam ko na isang sorry niya lang, bibigay na agad ako. Kasi mahal ko siya, mahal na mahal, higit pa sa sarili ko.


Ganun naman kapag nagmamahal diba?


Kapag mahal mo, hindi mo kayang magalit sakanya ng Matagal. Magtatampu-tampuhan ka, at isang lambing niya lang sayo? kinikilig ka na. At bati na ulit kayo.

Yung simpleng effort na ginawa niya, para sa iba sisiw lang yun at natural lang kasi mag-on naman kayo eh. Pero dahil mahal mo, Sobrang saya mo na. Kasi nag e-effort siya sayo ng walang dahilan.

Kapag may sakit ka, isang YAKAPSULE at KISSPIRIN niya lang parang mas tataas pa ang lagnat mo kasi naman ang cheesy niya. Pero deep inside, halos mag collapse ka na sa kilig.

Kapag malungkot ka naman, ginagawa niya lahat mapasaya ka lang. Kahit mag mukha siyang tanga gagawin niya lahat ng craziness thingy ngumiti ka lang ulit.

Kapag umiiyak ka, kamay niya lang naman ang panyo mo.

At sobrang spoiled kapag dating sakanya...


Pero, paano kung isang araw maglaho lahat ng meron kayo?


Matapos ka niya sanayin sa daily cheesy routine niya sayo, bigla siyang nagbago?


Ang sakit, sobrang sakit... Pero wala eh. Kahit anong gawin mo, kung ayaw niya na, ayaw niya na talaga. Kahit na, lumuhod ka pa at umiyak ng malakas sa harap niya, wala na lang sakanya.


Hindi mo pa malaman kung san ka nagkulang, kung ano bang nagawa mo sakanya, bakit siya biglang nagbago, bakit naglaho na lang lahat. Na pati ang Ice mahihiya na sa sobrang panlalamig niya sayo.


Ang daming tanong ang pumapasok sa isip mo, pero hindi mo masagutan. Kasi ang tamang sagot, hawak niya.


Tama nga sila, dapat kapag nagmamahal ka magtira ka ng para sa sarili mo. Hindi yung ibibigay mo lahat.


Pero diba kapag in love ka na, hindi mo naman kayang gawin yun kapag ikaw na ang nasa position ko?

Last ChristmasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon