No more titles per Chapter, sakit lang sa ulo mag isip hahaha! Enjoy Reading peepz :*
~~~~~~~
Cindy's POV
After 3 Weeks, sobrang naging busy kaming lahat. Halos hindi na kami nagkikita ni Bryan dahil sobrang busy siya sa Pag practise sa basketball magkakaroon kasi sila ng Tournament this coming January.
Si Faith? Nasa Amerika, may Reunion sila ng family nila.
Si Jannah? Busy sa pag che-cheer leader sa Team nila Bryan.
Ako? Busy para sa Event, kasi nga ako ang President ng Class namin so ako ang magmamanage ng Christmas Party. Kasama ang mga Organizer at Student Councils. Sobrang nakakapagod ang mga araw na nagdaan saakin, at sobra ko ng namimiss si Bryan. Haayysss!
Napatingin ako sa Calendar at napangiti. Lahat ng pagod sa pag manage ng event at pagka-miss kay Bryan biglang nabura ng malaman ko kung anong Date ngayon.
This is it! December 25 na! Christmas na at ito na ang araw na sasagutin ko si Bryan <3
I want to make this day to be Very Special! Kaya nag request ako sa organizer ng Christmas Party ng University na bigyan ako ng time para sa isang surprise gift ko kay Bryan. Buti na lang pumayag sila na makisingit ako sa Event na 'to.
Andito ako ngayon at kabadong kabado na. Hindi ko ipinaalam kahit sa Bestfriends ko ang gagawin ko. Sana lang wag mag fail. Ngayon ko ibibigay ng buo ang puso kay Bryan. Ngayon, ngayon ang araw na masasabi kong Official Couples na kami at worth it ang 1 year na paghihintay niya.
"Woooh! Wag kang kabahan Cindy! Kayang kaya mo yan. Para din to sayo, para sa kasiyahan niyong dalawa." Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.
Nag try akong Contact-in si Jannah kaso busy ang Phone niya. Tatawagan ko sana si Bryan, kaso naisip ko baka makagulo lang sakin at masabi ko agad ang plano ko for us. Kaya chineck ko ang sarili ko kung okay na ba ang Suot ko.
Itong suot ko, ito rin yung sinuot ko nung unang beses ako tanungin ni Bryan kung pwede niya ba ako ligawan. Gusto ko lang marefresh yung memories na first time may nagtapat sakin ng pagmamahal sa harap ng maraming tao.
"Ms. President mag start na po tayo" sabi ng isa sa mga Organizer ng Party.
"Sige, susunod na ako" humarap ulit ako sa salamin at ngumiti. Alam ko na ready na ako. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas.
"Good Evening Ladies and Gentleman. Thank you for Coming to our Christmas Party. So let's start the Party and Enjoy the program for this night" blah blah blah.. Sabi ng emcee namin. Sumilip ako at hinahagilap ng aking mata kung nasaan si Bryan. Kaso di ko pa siya makita.
Nagpatuloy ang mga pag perform ng mga Volunteer sa Event na'to hanggang sa ako na ang susunod.
Saktong nahagilap na ng aking mata ang pwesto ni Bryan. Nakikipag kwentuhan siya kay Jannah at sa ibang ka-team niya at sa ibang cheerleaders.
Nakakatuwang isipin na close na ni Bryan ang mga best friends ko. Kaya alam kong magiging masaya sila para saamin.
Biglang may pumasok at nakita ko si Faith. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya at biglang pumunta sa back stage.
"Faith! Bes, buti nakaabot ka. Ito na ang araw na magtatapat na ako kay Bryan. Kinakabahan ako at nae-excite na din" Hawak ko ang dibdib ko dahil sa sobrang kaba.
Nakatingin lang saakin si Faith ng Seryoso, parang may gustong sabihin na hindi niya masabi.
"Bes, may sasabihin ka ba? Nakaka-kaba ka bes ha!" Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pinisil. Huminga muna siya ng malalim at saka tumingin ng diretso sakin.

BINABASA MO ANG
Last Christmas
Fiksi RemajaChristmas is the other version of Day of Love. But how about the Broken Heart?