Prologue
Naranasan mo na bang magmahal? Yung parehas niyong mahal ang isa't isa? Deeply in love kumbaga.
Ang sarap sa Feelings diba? Tapos kayo ang magiging center of attraction, kasi ang relationship na meron kayo ang relationship na pinapangarap ng karamihang Couples.
Tipong si Boyfie, biglang kukunin kamay mo para holding hands kayo habang naglalakad sa harap ng madaming tao.
Susubuan ka niya kunyare ng pag-kain tapos ikaw mauuto kasi lalapitan mo yung food na isusubo sayo na inaatras niya hanggang sa mauntog yung forehead mo sa lips niya, in short dumadamoves siya.
Kapag inaantok ka, papatulugin ka niya sa lap niya then brushing your hair using his Fingers.
Pinapaiyak ka...
pero dahil sa tuwa kasi sinu-surprise ka niya sa araw ng Weeksary niyo. Oh diba? hindi siya makapag hintay ng monthsary kaya every week may surprise siya sayo.
Lahat ng hindi mo ineexpect, yun pa ang gagawin niya sayo.
Sobrang sarap magmahal, pero alam ko sobrang sakit din kapag nasaktan ka..
Yung maaalala mo ang ka-kesohan na meron kayo tapos sa isang iglap, or sa isang blink lang ng mata mo biglang mawawala lahat.
Yung perfect na eh, bakit sa huli Epic fail?
Hindi ba pwedeng mag take 2? yung parang sa shooting, kapag hindi maganda ang kinalabasan, uulit ulit sa umpisa para itama lahat ng pagkakamali.
kung sana totoo lang si Doraemon at Nobita, hihiramin ko ang time machine nila para bumalik sa nakaraan at para itama ang pagkakamali ng nakaraan ko para pag future ko, perfect pa din.
Pero wala eh, nangyari na ang nangyari.
Kahit hindi mo kagustuhan, wala kang magagawa.
kahit sisihin ko pa si Destiny at si Fate, wala namang mangyayari diba? Hindi naman maibabalik yung nakaraan mo
Sana, hindi maulit sakin ang naranasan ko Last Christmas...

BINABASA MO ANG
Last Christmas
Novela JuvenilChristmas is the other version of Day of Love. But how about the Broken Heart?