Ang kabubohan ay nakakalumpo.
Mabuti pa nga ang tinaguriang "Dakilang Lumpo", kahit na lumpo ay may matalas na utak. E ang mga gunggong na komentador, waley!
Paano ba naman hindi ko masasabi ito? E, may isang tao lang na hindi nakakaalam kung bakit laging nakaupo si Apolinario Mabini sa pelikula, nilahat na ang teacher. Ganun? Kasalanan na ng teacher. Agad-agad? Hindi ba dapat ang bobo lang ay ang nagtanong nun sa sinehan pagkatapos manuod? At ang nagsimulang magpost sa social media para siya ay sumikat?
Mabuti pa nga talaga ang lumpo, may isip. Ang taong nagsasabing kasalanan pa ng mga titser kung bakit di alam ng mga kabataan na lumpo si Mabini... wala. WTF!
Gamitin kasi ang social media sa tama. Huwag puro negative comment. Magbasa-basa rin pag may time. Huwag maging tanga sa sariling bayan. Kung ayaw mong malumpo ka sa kabubohan.
BINABASA MO ANG
Sanaysayan School
Fiction généraleMga sanaysay tungkol sa guro, estudyante, edukasyon, at paaralan ay mababasa dito. Ito ay hindi lang para sa mga mag-aaral at guro, para rin ito sa bawat indibidwal na may pagmamahal sa panitikan at edukasyon.