Disiplina, in English discipline. Mahirap bang unawain yun?
Wala kasi ang Pinoy nun. Pagpilahin mo nga, hindi naman pipila eh, kundi mag-uumpukan o kaya magtutulakan. Pag sinabi mo tumahimik, lalo pang lalakasan. Kaya nga nauso ang reverse psychology. Kailangang pang baligtarin, para maunawaan. Bobita Corazon! "Simple instructions, cannot follow", sabi nga ng iba.
Ganyan ba talaga ang Pinoy? Napakapangit naman ng impresyon para sa mga Pilipino. Kung ganun lang naman, e, mas gugustuhin ko pang matawag na Amerikanong Negro, kesa namang tawaging Bobong Pinoy.
Disiplina lang ang sinabi ko. Bakit umabot ako sa kabubohan ng Pinoy?
Hmmm. Kasi kapag kulang ka sa disiplina, bobo ka! Gets mo? Halimbawa, alam mong bawal magtapon ng basura. Tapos, nagtapon ka pa rin. E di, bobo ka! Napakadaling tandaan, hindi ba?
Bobo pala ang mga kilala ko. Wala kasi silang disiplina. Kahit sinabi ko na na ayokong magulo at maingay sila sapagkat busy ako, nangguglo at nag-iingay pa rin sila. Bobo talaga, kasi kung matalino sila, didisplinahin nila ang mga sarili nla kapag walang nakamasid sa kanila. Doon nga masusukat ang disiplina, kapag walang taong nagmamasid. Subukan mong maglagay ng karatulang "Don't Open", tiyak ako may bobong taong magbubukas niyon. Wow Mali, di ba? Sinabi na nga. Sinulat pa, hindi pa rin sinunod. Kabubohan.
Ayokong tawagin tayong bobo. Ang mga Pinoy ay matatalino. Pero, kung patuloy nating babalewalain ang pagdidisiplina sa sarili, tanggapin na natin ang paratang na iyan. Wala tayong magagawa. Hindi natin nadidisplina ang mga sarili natin, e. Kasi, pag sinabing Vote Wisely, binoto mo pa rin ang sikat na kandidato. Kasi naghihirap na nga ang bansa, anak ka pa ng anak. Kasi binabaha na nga ang Pilipinas, tapon ka pa ng tapon kung saan-saan. Kasi kahit minamahalan na ang buwis sa mga alak at sigarilyo, bumibili ka pa rin. Kasi kahit sinabi na sa karatula na bawal tumawid, tumawid ka pa rin. Mas lumalala na nga ang karatula. Sabi na, MARAMI NANG NAMATAY DITO. Sige, tumawid ka pa sa maling tawiran para hindi ka lang walang disiplina at bobo, dedo ka pa.
Nakakatawa na nakakainis talaga ang mga taong ito. Nasasarapan sa mga bawal. Walang disiplina. Walang respeto sa batas ng tao at ng Diyos.
Hay! Ang tao nga naman.
Sana, kapag hindi nila dinisiplina ang sarili nila, agad na lang silang maninigas para mabawasan ang taong bobo sa mundo. Ang sama ko,di ba?
Pero praktikal naman.
BINABASA MO ANG
Sanaysayan School
Ficción GeneralMga sanaysay tungkol sa guro, estudyante, edukasyon, at paaralan ay mababasa dito. Ito ay hindi lang para sa mga mag-aaral at guro, para rin ito sa bawat indibidwal na may pagmamahal sa panitikan at edukasyon.