"Pusher ako walang kukuntra sa groga at ragbiboy"
Iyan ang nakasulat sa kapirasong papel, na nakakuha ko sa likod ng uniporme ng natutulog na estudyante. Nakita ko rin kung sino ang pilyong kaklase ang gumawa niyon, habang nagtatalakay ako ng aming aralin.
Palibhasa, pagod na ako at medyo nagasgas na ang lalamunan ko sa dahil sa apat na klaseng napasukan ko, hindi ako nagalit sa ginawa ng mag-aaral. Natawa pa nga ako nang lihim. Gayunpaman, mas nananiig ang awa. Ang awa, dahil maling-mali ang baybay ng kanyang sinulat. Mali na ngang masasabi ang pagbibiro niya sa natutulog na kaklase, mali pa ang kabuuan ng kanyang mensahe.
Sabi ko'y "Ito ang isang katibayan na dapat nating mahalin ang asignatura at wikang Filipino." Huwag mong ipagmalaki na mahusay o gusto mo ang English, kung bobo ka naman sa sariling wika."
Sana tumimo sa mga isipan nila ang mga tinuran ko. At, sana mahalin din nila ang Filipino.
BINABASA MO ANG
Sanaysayan School
Ficción GeneralMga sanaysay tungkol sa guro, estudyante, edukasyon, at paaralan ay mababasa dito. Ito ay hindi lang para sa mga mag-aaral at guro, para rin ito sa bawat indibidwal na may pagmamahal sa panitikan at edukasyon.