Dula-Dulaan para sa Araw ng mga Guro

23.5K 34 22
                                    

Teachers' Day Presentation


VO:  Ngayon ay ipinagdiriwang natin ang Pandaigdigang Araw ng mga Guro. Tunghayan po natin ang  isang  nakakaiyak at nakakatawang pagtatanghal mula sa Ikalimang Baitang-Pangkat Apat at ang  inyong lingkod ____________________.

         Teaching is a noble profession, ika nga. Totoo naman dahil kung walang guro, walang doctor, walang inhinyero, walang ibang guro at iba pang propesyon. At bago nagiging guro ang isang guro, sankatirbang aralin muna ang uunawain, sandamakmak munang demonstration teaching ang pagdadaan at sandamukal munang pawis ang patutuluin bago maging isang lisensyadong guro. Well, lahat naman ng propesyon ay mahirap..ngunit, iba ang hirap ng isang guro lalo na kung ganito kagulo ang mga mag-aaral mo..

(Ang mga mag-aaral ay maghahabulan sa loob ng classroom. May mag-aaway. May magbabatuhan ng nilukot na papel. May nagsusulat sa board ng Noisy at Standing. Tapos, papasok ang teacher. Sisigaw. Magbabalikan sa kanya-kanyang upuan ang mga estudyante... Manggigigil ang guro, ngunit walang magagawa.)

VO: Sabi ko sa inyo, e... Mahirap ang maging guro. Idagdag mo pa ang walang katapusang paperworks..

(Papasok ang isang bata, may iaaabot sa teacher.)


DIALOGUE:

Bata: "Mam, pinabibigay po..."

Teacher: "Salamat... Ano naman kaya ito. Diyos ko, gawain na naman at due date na agad... Di ba puwedeng next month na?!"

VO: Hay! Oo nga naman, kabibigay lang tapos ipapasa na agad.. Ano ba ang teacher? LBC Express?! Tapos, dagdagan pa ng problemang ganito...

(Papasok ang magulang, kasama ang anak na may black-eyed... Galit-na galit ang magulang...)

DIALOGUE:

Magulang: "Kayo ba ang adviser ng anak ko?''

 Teacher: "Ako nga po. Bakit po? Ano pong problema?"

Magulang: "Ang anak ko, binugbog ng kaklase niya. At di mo raw pinansin..."

Teacher: "Ano po? Di ko pinansin? Di nga nagsumbong iyang anak mo... Alam nilang kasisimula pa lang ng klase, 'di ko pa sila kilala, nagpapasaway na. Siguro may kasalanan kaya sinaktan." 

Magulang: "Anong ginawa mo, bakit nangyari ang ganito? Di ba ikaw ang adviser? ''

Teacher: "Sir, 'di niyo po alam ang nangyari... 'di niyo rin alam ang pinagkaabalahan ko kaya 'di niyo dapat ako sinisisi. Pasaway ang anak mo, kaya nasapok siya. Nasa mukha naman, e.. Aminin mo, bata...''

Magulang: "A, kahit na, hindi dapat ginanito ang anak ko... nasaan ang Guidance? Ipapatanggal ko ang lalaking nanakit sa anak ko."

Teacher: "Huwag naman, alamin muna natin ang dahilan."

Magulang: "A, hindi! Gusto mo isama pa kita?!"

Teacher: "Aba! Bakit po? Ako pa ang may kasalanan... Kung 'yan ang gusto mo... magkakasubukan tayo... Sige mabuti pa nga... Magpamediko legal pa kayo. Ayun ang guidance!"

VO: Tsk Tsk! Ang hirap makasalamuha ng magulang na makitid ang utak at kunsintidor. Akala siguro, uurungan siya ng teacher... ha ha. Isa pang mahirap ay ang pakikisalamuha mo sa kapwa guro... Tulad nito...

(Nakaupo ang bidang guro nang pumasok ang mahaderong guro... namumula sa  galit)

DIALOGUE:

Sanaysayan SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon