Nagising na lang ako na wala na akong katabi, hanggang ngayon nasasaktan ako kasi alam kong wala na akong magagawa para makawala sa nakaraan ko.
Napatigil lang ang pagiisip ko ng may tumawag.
[Babe, nasaan ka?] sabi ni ryan, kahit nagbreak na kami hindi pa din siya natigil sa pagtawag niya sa akin ng babe.
"Bahay ang sakit ng katawan ko"
[Gusto mo puntahan kita?]
"No, okay lang ako, ikaw muna bahala dyan ha?"
[Okay babe, no problem, ingat ka]
Binaba ko na ang tawag. Napaiyak na lang ulit ako.
Wala na akong magawa, kailangan kong protektahan si Ryan at sa ngayon ito muna ang alam kong gawin para maprotektahan ko siya.
"Sinong kausap mo?" Nagulat ako sa umimik. "Si Ryan ba?" Napatango na lang ako.
"Humingi ka ng tulong?" Napailing ako.
"Sigurado ka ba? Kasi alam mo na ang mangyayari" napatango na lang ako.
Hinalikan niya ako at ginawa na naman niya ang gusto niya. Sana mawala na lang ako. Hindi ko na kaya.
BINABASA MO ANG
The Reunion (Short Story)
RomanceAnong mangyayari kung magkikita na naman kayo ng past niyo? Matatakasan mo pa ba ito? O habang buhay na itong didikit sayo.