13

94 1 0
                                    

May plano ako, alam kong sigurado na ako sa gagawin ko. Pagod na pagod na ako. Hindi ko na kaya. Buti na lang umalis muna saglit si Den. Kinuha ko ang gamot sa drawer namin at dahan dahang ininom ito. Pagkasabay noon ay sumakit na ang ulo ko at dahan dahan na akong nanghihina.

"Shaina!" At pumikit na ako.

-

Den's Pov

Pabalik na ako ng bahay ng nakita kong nahimatay si Shaina dali dali ko siyang binuhat at dinala sa ospital.

Kanina pa akong nagiintay sa labas ng ER, lumabas na ang doctor.

"Sorry to say Mr. Montalbo, she's dead" at umalis na ang doctor at napaupo na lang ako.

"Sorry to say Mr. Montalbo, she's dead"

"Sorry to say Mr. Montalbo, she's dead"

"Sorry to say Mr. Montalbo, she's dead"

Paulit ulit iyan sa utak ko at pinasok ko ang ER

There she was lying peacefully. No baby! No!

"Baby please wake up"

"Wag ka namang ganyan baby please"

"Hindi ko kayang mawala ka"

"Mahal na mahal kita baby"

Para akong tanga na kinakausap ang patay. Bakit? Ano bang ginawa ko? Naglason siya? Bakit? Bakit mo ako iniwan Baby?

Umiyak na lang ako ng umiyak dahil sa nangyare.

-

5 years na ang nakalipas simula nung iwan ako ng babaeng pinakamamahal ko. 5 years ko din tinatago ang sulat na isinulat niya para sa akin bago siya mamatay.

Dear: Baby

Mahal na mahal kita Den. Natatakot ako na baka ang pagmamahal ko sayo ang siyang magdala sa akin sa kapamahakan. Alam ko kapag binasa mo ang sulat na ito wala na ako sa mundong ito. Tao din ako den, napapagod. Sumuko ako hindi dahil hindi kita mahal, sumuko ako kasi nasasaktan na ako sobra. Huwag mo ako kakalimutan. Mahal na mahal kita Den. See you soon.

Love,
Shaina

Hanggang ngayon naiiyak pa din ako. Kung hindi lang sana ako naging gago hindi ito mangyayare. Sana masaya kami ngayon. Sana may kumpleto kaming pamilya. Sana maayos na kami ngayon. Sana buhay pa siya.

Sana.

The Reunion (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon