*Monday came and maagang nagaantay nalang si Mika ng Prof sa nagiisang subject na classmate sila ni Jeron.
Mika : [pov] hindi na ako umupo sa harapan, para baka tabihan ako ni Jeron. (kinilig)
*Pero pagdating ni Jeron. Nginitian lang sya ni Jeron at umupo sa likod ni Mika
Mika : [pov] Bakit hindi nya ko tinabihan? (sad) Akala ko ba friends na kami? Kinakahiya ba nya magkaroon ng "not so famous" friend?
Jeron : [pov] (happy) Dito ako sa likod mo Mika, para tignan kita buong magdamag. Wuhoo! Kahit nakakaantok itong subject na ito, gising ako basta nakikita kita.
(after ng class. Umalis si Mika para hindi na sya kausapin ni Jeron)
Jeron : [pov] Bakit umalis sya kaagad?
_____________________
Thomas : Saan tayo maglalunch? Kenny Rogers?
Jeron : Pwede bang sa carinderia?
Thomas : Bakit naman?
Jeron : Eh kasi palagi nalang tayo sa pangMayaman kumakain, gusto ko makatikim ng something normal.
Thomas : Ano ka ba? sasakit lang ang tiyan mo nyan, kasi hindi ka sanay sa normal food.
Jeron : Ah basta! Kakain ako mag-isa ngayon, gusto ko makakain ng ibang putahe.
(Naghanap ng naghanap si Jeron ng Carinderia, hanggang sa anlayo na ng napuntahan nya, hindi mo na mafifeel ang ambiance ng La Salle, pangmahihirap na talaga yung makikita mo.)
*Nakita nya si Mika, kumakain mag-isa. Kaya biglang ngiti ito at nilapitan sya.
Jeron : (feeling close) Tapos ka na ba kumain? Teka, antayin mo ko. Kakain ako.
*at nag-order si Jeron ng adobo galing sa carinderia at kumain kasama si Mika.
Mika : Kumakain ka pala dito?
Jeron : Ngayon lang.
Mika : Bakit?
Jeron : Nagtitipid ako eh.
Mika : Ha? Eh libre naman kayo sa lahat diba?
Jeron : Ah basta, gusto ko mag-ipon.
(And they smiled to each other and eat together)
(Maya-maya)
Mika : Jeron, ok ka lang?
Jeron : Ansakit ng tiyan ko. Parang gusto kong magCR.
(Jeron is not feeling well. First time kasi kumain sa carinderia)
Mika : Ikaw kasi eh. Bakit ka pa kasi kumain dito. Halika, tara sa apartment namin, may CR dun.
(Kaya nakarating si Jeron sa apartment nina Mika at doon nagCR)
*Habang nagCCR, tinitignan ni Jeron ang paligid ng CR
Jeron : [grabe, ang pangit dito. Pero ok naman, at least ma-iba naman.]
*Lumabas na si Jeron
Jeron : Salamat Mika, naku nakakahiya.
Mika : Naku, ako nga dapat mahiya, ampangit ng apartment namin, walang-wala sa La Salle dorm.
*Nakita ni Jeron namili pa si Mika from Watsons ng toiletries.
Jeron : Oh? Ano yan?
Mika : Baka kasi maselan ka eh, kaya ayan, binilhan kita ng toiletries.
Jeron : haha... ano ka ba? Normal na tao lang ako, no need to treat me that special.
*Mika just smiled
Jeron : Bakit ka umalis kaagad kanina? Hindi tuloy kita nakausap.
Mika : Ha? eh... kasi....
Jeron : Pwede bang tayo nalang magkasama after that subject? Vacant ko kasi yun eh, wala akong magawa.
Mika : (namumula) Ok lang. Basta walang magagalit.
Jeron : Magagalit?
Mika : Wala ka po bang girlfriend?
Jeron : Wala eh. Ayan nanaman, nag"PO" ka nanaman.
Mika : hihi... sorry.
Jeron : [pov] Mika, sana maging close tayo. Ang sweet mo kasi, parang ansarap mong maging kaibigan, lahat simple, walang problema.