-----
nandito na naman ako sa coffee shop as usual.
naglalaptop lang ako ng bigla akong nakatanggap ng text galing kay Kuya.
"Liit, uwi daw tayo sabi nila mommy. Kaunin kita mamaya ng 5 ah. Byeee."
wahhh omg oo nga 3 weeks na kong di nakakauwi miss ko na yung family ko.
chinat naman ako ni Audy na mag sleepover daw kami kila Alli pero tumanggi ako kaya sabi niya ay sa susunod na linggo nalang daw.
umuwi narin ako ng 4 at naghanda na.
mayamaya ay may nagdoorbell narin kaya dali dali akong lumabas at nakita ko naman si kuya.
"Kuyaaaaa!" sinugod ko siya ng yakap at muntik pa kami tumaob.
"Grabe ang oa mo. Tara na para di tayo gabihin sa daan."
sumakay na ko sa likod nasa harap kasi si Ate Rianne. Siya yung girlfriend ni kuya na sobrang ganda talaga.
"Hiii Ate. Kamusta ka na? Ang ganda mo parin ate bat mo pinatulan kuya ko?" sunod sunod kong tanong kaya naman napatawa si Ate Rianne.
"Hoy gwapo ako noh. Ano ka sabi nila magkamukha tayo kaya wag mo ko nilalait lait." HAHAHAHA ggss talaga kuya ko hay bakit.
pagkauwi ay dalidali akong bumaba at pagkapasok ng bahay ay sinalubong ako ni Mommy.
"Hiii Mommy! Nandito na ang napakaganda mong daughter!"
"Wow! Nako payat mo parin. Tawagin mo na yung dalawa sa taas at kakain na tayo ha?"
sinunod ko naman si Mommy at tinawag na si Ate at Dara.
"Mga kapatid kong maganda tayo ay kakain na bumaba na kayo."
bumaba na kami at kumain narin.
nagkulitan at kamustahan kami.
grabe nakakamiss to. mag-isa lang kasi ako sa apartment ko sa quezon city kaya ayon nakakalungkot.
pagkakain ay pumunta na ko sa kwarto ko para matulog pero ayaw ako dapuan ng antok kaya tumambay nalang ako sa verada ng kwarto ko.
tinitigan ko ang sky. ganda talaga. lalo na ng stars. at syempre ng moon.
"Nakakamiss to. Hay."
pinikit ko ang mata ko at dinama ang hangin.
"Grabe miss. Meant to be ata tayo?"
nagulat ako kasi may nagsalita sa katapat na veranda.
"Shit ka wag ka manggulat please." kasi sobrang nakakagulat talaga siya.
"Ikaw na naman? Stalker ka ba?" tanong ko sa lalaking nasa katapat na veranda.
Lord bakit mo na naman pinagtagpo landas namin ng isang to?
"Hindi ko naman kasalanang kapitbahay mo ang tita ko ano?" sabi niya sabay tawa.
di ko siya sinagot at tumingin nalang ulit sa stars.
"Bat kaya lagi tayong nagkikita noh? Parang laging pinagtatagpo landas natin?" tanong niya kaya naman napatingin ako sa kanya.
puso tigilan mo ko. hindi to pwede.
"Hindi ko alam at wala akong balak alamin." sabi ko sabay tayo at balik na sa kwarto ko.
pagkasara ko ng pinto ay napahinga ako ng malalim.
"Hindi ko siya gusto hindi pwede to."
------
BINABASA MO ANG
Serendipity
Short Story— luck that takes form of finding valuable or pleasant things that are not looked for