-----------
umagang umaga ay may malakas na katok at sigaw na agad sa pinto. sino ba to?
tumayo na ko kahit ayoko pa talaga
"GOOD MORNINGGGGGG!" malakas na sigaw ng 5 tao sakin.
"Ugh. Leche kayo natutulog pa ko eh."
iniwan ko naman sila sa may pinto at humiga na ulit.
narinig ko namang pumasok sila at nag-ingay na naman.
"Cara Cara Cara. Wake uppp! Its 11 pm." sigaw ni Brooklyn.
Brooklyn ang pinakacute pinaka petit sa lahat ng kaibigan ko. Bukod sa napakaganda niya ay napakabait din niya. Tulad ko mahilig mambasted yan kasi sabi niya di pa nagpapakita sa kanya ang lalaking binigay ni God.
"Brook 5 mins pa please."
"Cara! Omaygahd wake up pakinggan mo yung bagong kanta ni Ari omg!"
Yan naman si Naomi. She totally loves Ariana Grande. Super bait and pretty. Madami nanliligaw pero walang sinasagot kasi isang lalaki lang gusto.
Si Ethan. Childhood bestfriend niya at crush niya eversince high school palang kami.
"Eto na nga tatayo na." tumayo na ko at dumiretso sa cr para maghilamos.
pagkalabas ko ay dumiretso na ko sa kitchen at nakita ko namang nagluluto si Liz at Audy habang si Alli ay nanonood ng tv.
"Cara! Good morninggg!" bati ni Alli
Siya si Alligen. Alli nalang karamay ko yan sa pagiging bitter kaya mahal na mahal ko yan.
pagkaluto ng pagkain ay kumain narin kami agad.
"Mga bruha anong mero at umagang umaga ay ginugulo niyo ko?"
"Mag mall tayo!" sigaw ni Audy
"Tinatamad ako huhu." pero kahit gano pa ko katamad alam kong wala rin akong mapapala dahil pipilitin parin nila ko.
nag-ayos na ko at mga 12 ay nakaalis narin kami
"Ano gagawin natin dito." tanong ko pagkapasok namin ng mall.
"Arcade tayo!" suggestion ni Alli
"Hindi may bagong moviee nood tayo!" pagpipilit naman ni Brooklyn
"Tara kain nalang tayo." sabi ko na ikinatuwa nilang lahat since mahilig kami kumain.
pumunta kaming mcdo at umorder na sila habang nagbantay ako ng table.
bigla ko namang naalala yung kagabi.
nasan na kaya yung lalaking yun.
"Huy!" sigaw ni Brooklyn kaya naman nabalik na ko sa realidad.
"Lalim ng iniisip mo ah. Anong meron?" tanong niya
"Alam mo bang muntik na ko mabangga kagabi."
"Sinong muntik ng mabangga kagabi?" tanong ni Alli.
nagdatingan narin sila kaya naisipan kong ikwento sa kanila.
"Muntik na ko mabangga kagabi."
"Omg bakit?" pag-aalala ni Audy.
"Ah di kasi ako natingin nung tumatawid ako."
"Oyyy grabe ikaw ba yung muntik na mabangga ng motor sa may street ng bahay ko kagabi?" tanong ni Naomi
"Ahhh sa Elm Street. Oo ako yun."
"Omaygash nakita ko yun. Sino yung humila sayong lalaki. Grabe omg beh mag-ingat ka ah."
"I don't know him."
"Eh bat di ka humiwalay nung niyakap ka niya." pang-iintriga ni Naomi
"Hindi ko talaga alam. Baka dahil sobrang natakot lang ako."
"Ay jusko beh. Mag-iingat ka nga di naman makakaya pag may nangyaring masama sayo." Liz
"Awww. So sweet naman this girl! Hug mo nga ko." at akmang yayakapin ko naman siya pero nilayuan niya lang ako.
"Err. No stop." natatawa na kami sa kanya ayaw niya kasi ng clingyyy hahahahahaha.
mayamaya ay naggala narin kami sa mall.
pero habang naglalakad ay may nakasalubong ako na di ko inaasahan.
"Uy! Hi! Tanda mo pa ko?" at siya nga.
yung lalaking nagligtas sakin kagabi.
"I need to go." at binilisan ko pa lakad ko at naiwan ko pa sila Audy.
"Miss mag-ingat ka lagi ah!" rinig kong sigaw niya
"Girl sino yun?" tanong ni Brooklyn
"Siya yung nagligtas sakin kagabi." at hinarap ko sila.
"Bat mo siya tinatakbuhan?" tanong ni Audy.
"Hindi ko alam."
at naglakad nalang ulit kami.
ilang beses ko siya muntik makasalubong. sino bang gumawa ng mall na to at parang ang liit ata huhu.
"Ugh uwi na ko ah." pagpapaalam ko sa kanila.
"Bakit? Maaga pa magdinner na muna tayo." sagot ni Alli
"Sumama pakiramdam ko eh. Sige na una nalang ako byee."
nagpaalam narin sila at sinabihan pa kong mag-ingat ako dahil nga a nangyari kagabi.
pagkadating ko sa apartment ko ay naligo ako at humiga nalang ako sa kama ko. wala akong gana kumain eh.
"Sino ka bang lalaki ka? Ano bang ginagawa mo sakin."
"Lord bakit po ako nagkakaganito hindi po to pwede huhu. Lord help me huhu."
---------
BINABASA MO ANG
Serendipity
Cerita Pendek— luck that takes form of finding valuable or pleasant things that are not looked for