S-04

33 7 2
                                    

-----

"Ate Caraaaaa! Wakey wakeyyy!" sigaw ng kapatid ko.

nooo huhu.

"Mamaya na beh ha. Tulog pa ko." mahina kong sabi sabay takip ng kumot sa katawan ko.

"Ateee gising naaa pupunta si Ellie dito hahanapin ka nun kaya gising na!" pagpipilit parin ni Dara pero hindi kulang ako sa tulog huhu.

"Ah ayaw mo ah."

binuksan niya ang kurtina at wow ang sakit sa mukha ng sikat ng araw.

"Ughhh." di parin ako tumayo instead pinaabot ko sa ulo ko ang kumot ko at tinakpan ko pa ang mukha ko ng unan.

nilubayan din ako ni Dara. Hay salamat.

pero mayamaya lang ay nakarinig na ko ng malakas na tugtog pati sigawan.

ang sigawan ay galing sa baba pero ang malakas na music ay galing sa kapitbahay.

nung una ay di ko pinansin pero hindi ko rin natiis tumayo ako para sigawan yung kapitbahay namin jusko.

"Hoy!" sigaw ko pero di niya ko narinig peste.

kinuha ko ang pinakamalapit na bagay na makuha ko at binato siya.

"Aray! Bat mo ko binato?" tanong niya. syempre dahil ang galing ko tumama yung notebook sa ulo niya.

"Ang aga aga napakaingay mo! Di mo ba inisip na baka may natutulog pa?"

"Anong aga aga eh 12 na." tumawa naman siya.

ano? 12 na?

"Di ka ata nakatulog kagabi kaya siguro napasarap tulog mo."

"Ugh!" umalis na ko at bumaba.

"Ate Caraaaa!" salubong sakin ni Ellie. Pinsan ko 7 years old palang siya.

nawala naman ang pagkabad mood ko pagkahug niya sakin.

"Uwah Ellie miss na miss na kita grabe! Laki mo na!" huling kita ko kasi kay Ellie mga last year pa eh.

"Ganda mo parin Ate Cara."

buong araw kami nagbonding kasama si Ellie. nako nakakawala talaga ng stress ang batang to.

"Gusto ko pumunta sa park Ate Cara." sabi niya with matching please sign at puppy eyes.

"Oh sige tara."

nagpaalam naman kami kila Mommy at dumiretso na sa park ng village namin.

"Ate Ellie dun lang ako sa slide ha?"

pumayag naman ako at nagstay nalang sa swing.

mayamaya ay dumating na si Ellie na may kasamang batang babae.

"Ate Cara nawawala daw siya di niya mahanap yung Kuya niya pwede ba natin siya tulungan?"

hinanap namin sa park ang kuya ng bata pero di namin mahanap at tuluyan na siyang umiyak.

"Baby baby teka wag ka muna umiyak listen to me muna."

tumahan naman siya at nakinig sakin.

"Ano pangalan mo?"

"Kate po." sagot niya habang yakap yakap yung maliit niyang teddy bear.

"Pwede mo bang ituro samin kung san yung bahay mo?" tumango naman siya at nagsimula na kaming maglakad.

nakarating kami sa isang pamilyar na bahay.

"Eto po yung bahay namin!" masayang sabi ni Kate

nagdoorbell naman ako at pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay may bumungad sakin ang isang lalaki.

hindi ako nagkakamali siya nga.


















































































shit.

-------

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon