May nag-friend request at ng post sa Facebook timeline ko...
"Happy New Year Joannah!"
Yan ang pinaka unang bati saakin ni Love.
Since birthday ni Ate Anne nung September, naging busy ako sa pagaaral at hindi pa kami ngkausap ulit ng mga girls. Pero nung new year, inadd ako sa Facebook nila Ate Anne at Ate Love. Since then, madalas na kami ngkakamustahan ni Ate Love.
Sa walang sawang pag message at pangungulit ni Ate Love sa akin, unting unti kami nagkakasunduan. Ibang saya ang nararandaman ko pag kausap ko sya. Sa dami ng mga matalik kong mga kaibigan, feeling ko mas matagal na kaming magkakilala dahil sa lahat ng pinaguusapan namin, nagkakaintindihan kami sa maraming bagay. Hindi ko ugaling mag message sa Facebook ng kadalasan pero masaya akong lagi mag reply sa mga messages nya na napapadalas.
..........
19 years old ako noon time na mga yon. Second year ko na ng nursing school at kahit kailan hindi ko pa naisip pumasok ng relasyon. Career minded ako at focus talaga sa future ko kya feeling ko wala akong time para sa buhay pag-ibig. Ngunit, habang nag-aaral ako ng pharmacology, meron akong na meet na lalaking nagkagusto at nanligaw sa akin. Muslim si Amad at busy lagi sa Mosque, sa trabaho, at sa pag-aaral. Nag kasundo kami dahil parehas ang pananaw namin sa buhay. Parehas namin gustong maka tapos ng pag-aaral, maging health care providers, (pharmacist sya at travel nurse naman ako) mag trabaho para kahit konti, makatulong sa mga pamilya namin sa home country namin. Egyptian sya at Pinay naman ako kaya ng kasundo kami sa pagiging foreign namin dito sa States. Mahilig sya kay Pacquiao kya madalas din namin iniimagine na makanood ng boxing match ni Pacman ng live. Malapit sya sa family nya katulad ko kya madalas na topic rin namin ang mga parents at kapatid namin. Gwapo sya at matipuno, napaka neat manamit, matangos ang ilong, malalim ang mga mata, at maganda hugis ng mga labi nya. Pag dinedescribe ko sya, halos nag mamatch sa ideal guy ko. Pero kahit ganon, wala pa rin akong maramdaman para sa kanya. Mahigit isang taon nya akong niligawan pero sa huli, iba ang naging ka-ibigan ko at unting unti na syang nawawala si Amad sa isip ko.
BINABASA MO ANG
The First (True Lesbian Love Story) Tagalog
RomanceThe love story of two girls whose paths aligned at the right place and the right time. (Based on the true love story.) Story written in Tagalog.