First Glance

1.4K 2 1
                                    

Sunday morning, late September, nung una kong nakilala si Lovemarie "Love" Estevez. Isa syang travel nurse na nadistino dito sa Virginia.

Halos dito na kami lumaki ng mga kapatid ko sa States. Marami din naman mga Filipino dito pero wala mashadong mga kaedad namin kya masaya kami nung nakilala namin sila Ate Love.

Ng simba kami nung Sunday morning na yon kung saan pinakilala sa amin ni Tito Lito si Ate Love at ang mga kaibigan nyang mga travel nurse din na sina Ate Anne, Ate Laura, at Ate Marie. 19 years old pa lang ako noon nung nakilala ko sila at mas matanda sila lahat ng konti sa akin kya Ate ang tawag ko sa kanila. Hindi ko inakalang sampung taon ang tanda sa akin ni Ate Love dahil sa kilos, galaw, at pananalita nilang mag-kakaibigan ay mukang pareparehas lang. Niyaya kami nila Tito Lito mag lunch dahil birthday ni Ate Anne kya hindi na kami nakatangi at napasama kaming mag pamilya sa kanila.

Mejo tahimik kaming lahat nung nagpunta ng lunch dahil hindi pa namin sila kilala nung time na yon at pareparehas kaming mahiyain kaya parang nagtitinginan lang kami habang kumakain sa restaurant.

Masaya ako na may mga bago akong pwedeng maging kaibigan na mga Filipino dito sa States. Mula pa kasi nung umalis kami ng family ko ng Pinas, hindi pa rin kami nakakabalik.

Habang kumakain, pinagmasdan ko mga muka ng mga Ate. Sa apat, si Ate Anne ang pansinin. Morena ang beauty nya, maappeal, pero mukang may pagkasuplada ang mga kilay nya. Tapos napatingin ako kay Ate Love. Pinaka masiyahin ang muka ni Ate Love sa lahat. Napaka simple ng ganda nya. Ma-amo  ang muka, mukang may pagka makulit, pero halatang napaka humble nya. Matangos ang ilong, chinita, maninipis ang mga labi pero ang ganda ng ngiti sa muka nya.

Nung mga panahon na yon, naisip kong ang saya sigurong maging kaibigan ni Ate Love. Pero kahit kailan, hindi pumasok sa isipan ko na ang babae na ito ang babago ng pananaw ko sa tinatawag nating pagmamahal.

The First (True Lesbian Love Story) TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon