"When I see her face, there's not a thing that I would change, 'cause you're amazing, just the way you are."
Mahilig ako kumanta at mag guitara kaya naisipan kong kanta ang iregalo ko kay Tita Lita para sa birthday nya. Grande mag celebrate ng birthday so Tita, halos lahat ng kilala nya, invited sa party. Na inbita din sila Ate Love, kya lumapit ako at binati ko ang table nila. Medyo madalas na kami ng kakamustahan ni Ate Love nung time na yon, pero naramdaman kong naiilang na nahihiya syang kausapin ako nung sa party kya besides nung nag sayawan kami, halos ng ngitian lang kami nung gabing yon.
"Ang galing mo palang kumanta Ate Love! Minsan kantahan naman tayo."
Nag perform din ang mga girls ng kanta para kay Tita Lita napahanga ako ng narinig ang boses ni Ate Love kaya naisipan kong inbitahin silang mag karaoke sa bahay.
Naging busy ang trabaho nilang mga nurse sa hospital kya hindi rin sila makapag day off. Busy at pagod sa trabaho lagi si Ate Love, pero hindi sya nakakalimot mangamusta sa akin pag may pagkakataon sya.
"Good morning! Ingat sa pag drive sa school. Have a good day."
Yun na ang naging routinaring pag bati sa akin ni Ate Love sa araw araw at sa pagtagal tagal, nasasanay na ako sa message nyang yon. Feeling ko, hindi mabubuo ang araw ko kung hindi kami mag batian ni Ate Love.
"May party nga pala kami next week, sana makapunta kayong mag anak."
Nag invite sila Ate Love dahil March na at palapit na ang date ng pag alis nila sa Virginia. Malapit ng matapos ang contract nila kaya sinusulit na nila makasama ang mga naging kaibigan nila dito. Nag punta kaming mag-anak at nagulat kami sa dami ng taong pumunta sa party nila. Sa ilang buwan nilang ng stay sa Virginia, ang dami na pala nilang naging kaibigan, halos puro Filipino kya mga kilala din namin. Napakasaya ng party, ang daming pagkain, inumin, may karaoke, at may D.J.! Kasama ko si Kay, yung kapatid kong magaling sumayaw, kaya talagang nagsayawan kami dun sa party. Gaya gaya lang ako sa mga dance moves ni Kay kaya tuwang tuwa sa amin yung mga Ate at nag join din sila mag sayaw. Nung pauwe na, humirit pa kami ng kanta. Tapos narinig ko ulit sa boses ni Ate Love...
"Believe I'm here to stay, 'cause I will love you 'til they take my heart away..."
..........
BINABASA MO ANG
The First (True Lesbian Love Story) Tagalog
RomanceThe love story of two girls whose paths aligned at the right place and the right time. (Based on the true love story.) Story written in Tagalog.