First Touch

1.1K 6 3
                                    

Isang linggong nakalipas bago mag message ulit si Ate Love. This time nag yaya sya kung pwede ba kami mag hang out, kaya ng suggest ako na mamasyal at mag kantahan sa bahay.

Excited akong makasama ang mga Ate, kaya maaga akong nagising at sinundo ko sila sa condo nila ng maaga para marami kaming magawa. Lahat silang apat at sumama sa akin kaya saktong kasya lang sila sa kotse ko. Tapos bago sumakay ng sasakyan, napansin kong tinutulak nila si Ate Love para sya ang sumakay katabi ko sa harapan. Nahalata ko ang hiya ni Ate Love sa akin dahil first time din namin magkasamang mamasyal.

Dinala ko sila sa park nung araw na yon. Naglakad lakad at ngpapicture kami para may remembrance daw sila. Habang naglalakad kami, nahalata kong unting unti na kaming nagiging comfortable ni Ate Love magkasama. Katulad ng pag uusap namin sa text, masarap talaga syang kakwemtuhan.

Pagkatapos naman namin mamasyal sa park, ng punta kami ng mall kung saan ngkahiway hiwalay ang mga girls at naiwan akong kasama sila Ate Anne at Ate Love. Malambing si Ate Anne at habang naglalakad kami, umakbay sya sa akin at sinabi nyang "ang sarap mo naman ihug." Tapos tumingin lang sa amin si Ate Love at ngumiti. Nung nag punta kami ng Victoria's Secret, na distract si Ate Anne at natagalan sa store kaya lumabas kami at nag lakad ni Ate Love. Bigla akong hinawakan ni Ate Love sa braso at naglakad kami tapos unting unti nyang hinawakan ang kamay ko at sinabing "ang lambot naman ng kamay mo, pahawak lang ha?" Pumayag ako at inisip na pareparehas sweet ang mga Ate. Tapos nakasalubong namin sila Ate Anne at biglang akong binitawan ni Ate Love.

Dumiretso kami sa bahay pag tapos namin mag malling; nag luto kami at nag kantahan hanggang gabi. Parehas kaming mahilig kumanta ni Ate Love kaya ng karaoke kami buong gabi. Pati ang Mommy ko na impress sa galing ng boses ni Ate Love kaya ng ang daming nirerequest ni Mommy kantahin ni Ate Love. Masunurin si Ate Love at hindi nya tinatanggihan ang mga request ni Mommy kahit hindi nya mashadong alam ang kanta. Umupo si Ate Love sa tabi ko at may mga love songs na ikinakanta nya sa tenga ko.

"Di kita pipilitin sundin mo man ang iyong damdamin, hayaan na lang tumibok ang puso mo para sa akin."

Habang kinakantahan ako ni Ate Love, may kakaiba akong nararamdaman. Bigla na lang akong kinakabahan,  bumibilis tibok ng puso ko at para akong nahihilo.

Nandoon ang Daddy at Tito ko kaya nag iinuman sila at binibigyan din nila kami ng alak. Dahil para na akong ninenerbiyos, napainom na din ako ng alak. Nung unti unti na kaming nalalasing, napansin kong mahigpit na ang hawak ni Ate Love sa kamay ko. Kakaibang pakiramdam talaga. Ngayon ko lang naramdaman yung "spark" na tinatawag nila. Hindi ko malaman kung anong nasa isip namin parehas pero ramdam ko ang na saya sa pakiramdam kaya buong gabi kaming magkahawak ng kamay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The First (True Lesbian Love Story) TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon