Nagising ka sa init ng hangin na humaplos sa iyong balat na tila nagsasabing gumising ka na.
Sinikap mong imulat ang iyong mga matang inaantok pa ngunit pag dilat mo'y bumungad ang matinding sinag ng araw na nagmumula sa nakabukas mong bintana. Pumikit kang muli bago nagpakalawa ng isang malalim na buntong hininga. Sinulyapan mo ang orasan, alas onse na pala, tanghali nanaman pala.Ganito nalang ba lagi?
Ganito ka nalang ba lagi?
Bumangon ka mula sa iyong higaan, at nagtungo sa banyo upang mag-ayos. Tinitigan mong maigi ang iyong sarili sa salamin. Naghahanap ng katiting na pagbabago sa iyong itsura, ngunit ganun pa din. Wala naman nagbago maliban sa bahagyang pangingitim sa ilalim ng iyong mga mata. Tila pilit mong kinikilala kung sino ang repleksyong nasa harapan mo.
Ikaw pa din naman ako di ba? Pero bakit parang hindi na kita kilala? Naitanong mo nalang sa iyong repleksyon sa salamin at napailing ka nalang habang nakangiti nang mapagtanto mong para ka palang baliw na kinakausap ang sarili.
Isang malalim na buntong hininga ang iyong pinakawalan bago ka lumabas ng iyong kuwarto."Oh jade! Anak, mabuti naman at gumising ka na tamang tama tanghalian na." Bungad ng iyong inang naghahain na sa lamesa ng inyong pananghalian.
"Hi ma, where's Dada?" Tanong mo at sabay bitaw ng isang pilit na ngiti.
"As usual anak, nasa opisina" maikling tugon ng iyong ina
"But it's saturday right?"
"Alam mo naman ang Dada ninyo pagdating sa negosyo, minsan naisasantabi tayo." May himig na pagtatampo na tugon ng iyong ina.
Habang tinutungo mo ang lamesa. Kasunod mo na pala ang iyong dalawang kapatid na lalaki na ngingisi-ngising bumati ng sabay sa iyo ng "Isang magandang tanghali, para sa isang magandang prinsesa!"
Napangiti ka na lamang at napailing dahil sa malalambing mong mga kapatid, "Isang guwapong tanghali din para sa mga nagwa-gwapuhan kong mga kapatid!" At kayo'y nauwi sa isang tawanan.
"Oy kayo! tama na ang mga bolahan ninyo at kumain na tayo" awat ng inyong inang nakangiti.
"Ma, pinapatawa lang naman po kasi namin yung prinsesa natin, kasi lagi nalang ganyan ang mukha niyan araw-araw na parang pinaglihi sa sama ng loob. Hahaha" Tatawa tawang katwiran ni Paul at nakitawa na din si Gab.
Nagtaas ka ng kilay sa iyong Kuya Paul na ngingisi-ngising nakatingin sayo.
"Oo nga anak, bakit ba ganyan nalang lagi itsura mo para kang pinagsakluban ng langit at lupa sa araw-araw nalang na ginawa ng Diyos. Ilang taon na kita napapansin na ganyan. Bakit ba kasi hiniwalayan mo pa si David? Edi sana hindi ka ganyan na laging malungkot." Sabat ng iyong ina.
Si David? Bakit naman si David ang magiging dahilan ng aking kalungkutan? Ni hindi ko nga siya naiisip o hindi man lang ako nasaktan o umiyak nung hiniwalayan ko siya kahit matagal ko siyang naging kasintahan. Pero ang nakakatawa pa dun ibang tao
ang dahilan ng bawat patak ng luha ko. Ibang tao naiisip ko kaya hindi ako makatulog ng maayos sa gabi. Na ibang tao yung dahilan kung bakit hanggang ngayon miserable pa din ako. Na ibang tao yung inaasahan kong sasagip sakin sa kalungkutan. At ang masaklap ang ibang tao na yon ay nagkataong isang babae. Oo isang BABAE na unang nagparamdam sakin ng lahat ng ito. Mga bagay na hindi ko naramdaman nung kami pa ni David. Isang babaeng bumulabog sa nanahimik kong buhay, na bumago ng lahat-lahat. Na naging dahilan para kuwestyunin ko ang aking pagkatao, ang aking paniniwala, na buong buhay ko pala ay puno ng pag-aakala. Kaisa-isang tao na ngayon ko lang minahal ng ganito. Si Althea... Dalawang taon na nakakalipas nung pinakawalan ko siya kasi mali, kasi hindi tama, at kahit saang angulo mo tignan hindi talaga pwede. Na mali sa paningin ng mga tao, sa paningin ng Diyos. Na sa mundong binuo namin dalawa lamang nagiging tama.
BINABASA MO ANG
An Affair to Remember
RomanceYour soulmate is not someone that comes into your life peacefully. It is who comes to make you question things, who changes your reality, somebody that marks a before and after in your life. It is not the human being everyone has idealized, but a...