Jade's POV
"Nakakainggit ka naman."
I said while roaming my gaze around her office. We're at the office of her own restaurant. Dahil kinulit ko siya na gusto ko makita yung resto niya. Kakatapos ko lang matikman mga specialty nila na akin naman nagustuhan. Bukod sa healthy ang mga foods na sineserve nila, nakakarelax pa ang ambiance at maganda ang service nila. Mukhang magaling magpalakad si Althea ng sarili niyang negosyo na lalo ko naman ikinahanga."Oh bakit naman?" She asked, frowning
"Eh kasi nakakahanga pagiging independent mo, kayang kaya mo tumayo sa sarili mong paa. Tignan mo dahil sa sariling sikap mo may resto kana na pag-aari mo at ang ganda pa ng takbo."
"Tsss.. Wala ka naman dapat ikainggit sakin, dapat nga ako mainggit sayo. Kasi mayaman ka na, di mo na kailangan magtrabaho o maghirap pa, magmamana ka na lang. Hehe. Nasa iyo na nga ata lahat eh." Sagot niya
"Sus.. Hindi din. Akala mo lang yun. Syempre gusto ko din yung paghihirapan ko din yung isang bagay hindi yung isusubo nalang nila sakin. Sila Dada kasi masyado niya din ako iniispoiled, sabi niya magenjoy daw muna ako. Kaya ayun sila Kuya muna tine-train niya na magpalakad ng kumpanya. At isa pa, marami nag-aakala na porket mayaman ako o nasa akin na lahat eh masaya na o kuntento na. Minsan kasi may mga bagay din na hindi kayang tumbasan ng yaman." Katwiran ko habang nakaupo sa isa sa mga upuan na katapat ng mesa nya at siya naman ay nakaupo sa likod ng lamesa niya.
"Wow, ang deep ha. May pinaghuhugutan?" Biro niya.
"Haha, sira! Hindi naman, nakikiuso lang sa hugot thing na yan." And we both laugh.
"Uhm.. Jade..."
"Hmm...?" I hummed and glanced at her.
"Where's your favorite place?"
"What do you mean?"
"You know... The first place you wanna go whenever you wanted to escape life's daily pressure. A special place where you find peacefulness. Like, some sort of a thinking spot or hiding place?" She said, staring intently at me.
"Ah. Oo syempre naman. Favorite place? Hmm... Bukod sa bathroom floor ng kwarto ko kung san ako madalas magmukmok, eh sa park ang tambayan ko."
"Bathroom floor? Seryoso? Haha." She said and an amused expression grew on her face.
"Oo bakit ba? Kanya kanyang trip lang yan. Teka bakit mo ba tinatanong?" I asked.
"I want you to take me there." She said with a commanding voice.
"San? Sa bathroom ko?!" I asked innocently
"Pwede ba? Haha.. Dun sa park na sinasabi mo." She answered.
"Ah, bakit naman? Bakit gusto mo malaman?" I repeated.
"Wala naman gusto ko lang na mas makilala ka pa, the other side of you. At saka para alam ko kung san ka pupuntahan if ever badtrip, malungkot or masaya ka." She said and winked at me.
"Sus! Dami mo alam! Seryoso ka ba talaga? Tara?"
"Ayos! Tara! Which car? Yours or mine?" She asked as she stood up
BINABASA MO ANG
An Affair to Remember
RomanceYour soulmate is not someone that comes into your life peacefully. It is who comes to make you question things, who changes your reality, somebody that marks a before and after in your life. It is not the human being everyone has idealized, but a...