It Might Be You

2.2K 105 6
                                    


Jade's POV

"Hello? Who's this?" I said without even checking on my phone screen.

"Hello... Jade? Wow hindi mo na ko agad kilala?" Sabi ng tao sa kabilang linya.

Then I checked my phone screen.

"Oh Kuya Paul! Ikaw pala. I'm sorry akala ko kasi kung sino na." I answered, eyes still closed. I still feel sleepy from 2 hours nap.

"Oo ako nga, bakit sino ba sa akala mo? Ikaw Jade ha, isang araw pa lang tayo nagkahiwalay di mo na ko agad kilala." Sagot nya na may pagtatampo.

"I'm sorry Kuya, kakagising ko lang kasi and di ko din tinignan yung screen nung sinagot ko call mo. So kumusta Kuya?".

"I'm fine Jade, ikaw ang kumusta? nakauwi ka na ba? Kumusta biyahe mo kanina? Hindi mo na kasi ako tinawagan, nag-alala tuloy ako." He asked worriedly.

"Okay naman biyahe ko, naenjoy ko naman dahil may nakilala din ako dun at ang nice niya Kuya. Sobrang gaan pati ng loob ko sa kanya. Sana nga makita ko ulit siya, at para mameet mo din siya." Tugon ko na parang excite na excite ako magkwento.

"Wow, parang naiintriga ako dyan sa new found friend mo ah, girl o guy? Pero bunso mag-iingat ka din sa mga bagong nakikilala mo ha. Alam mo naman sa panahon ngayon nagkalat na ang mga manloloko at mapagsamantala." He said. Classic Kuya Paul, though I know that he's gay. He's always like that, sila ni Kuya Gab. They're always so protective of me, and they even treat me like a princess.

"She's a girl, oo naman kuya alam ko naman yun. Pero mukha naman siyang mapagkakatiwalaan. I assure you, she's nice and sweet. Though ang awkward nga lang ng first meeting namin. Basta kwento ko nalang sayo pag uwi mo."

"Oh sige paguwi ko nalang dyan. Oh siya bunso sinigurado ko lang na nakauwi ka na. Ikumusta mo nalang ako kila Mama, Dada at Kuya Gab ha." He said

"Okay sige Kuya, mag-iingat ka diyan ha. Goodnight, bye."

"Okay, kayo din diyan. Goodnight too, bye." Then he ended the call.

*********

Althea's POV

"Alam mo malala na yan." Batchi said as she threw a crumpled paper at me. It's 7 in the morning yet we're here at the office. Kaylangan pumasok ng maaga dahil marami pa kami dapat asikasuhin. Balik trabaho na ulit dito sa Runner's Kitchen na pagmamay-ari ko at si Batchi naman ang nagma-manage nito whenever I'm not around.

"Ang alin?" I asked, frowning at her, while toying with a pen.

"Yung ganyan, yung ngumingiti mag-isa? Baka gusto mo naman i-share para di ka nagmumukhang tanga dyan." Pang aasar niya.

"Sira! May naalala lang kasi ako. At saka wag ka ngang ano diyan! Nagmomoment ako panira ka eh." Sagot ko sabay bato sa kanya ng papel na ibinato niya sakin kanina.

"Ah ganon? Siguro nakadali ka dun sa Cebu noh? Tell me nakailan ka?" She said, with a knowing smile while wiggling her eyebrows.

"What the heck Batch?! Lam mo andumi ng utak at bibig mo! Maligo ka nga!" I scoffed and rolled my eyes at her. And she just laughed.

An Affair to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon