Chapter 1

2K 44 2
                                    

THIRD PERSON'S SIDE:

" Agent Rose be ready, after 5 seconds all CCTV will shut down. Kaya ko lang ihold iyon for 10 seconds. "

" Copy. "

She walks like a cat, avoiding unnecessary movements and noise.

Nagsimula na siyang magbilang sa kanyang isipan.

1-2-3-4-5

" Go! "

Mabilis niyang pinagulong ang sarili saka pumasok sa pinto, nasa isang malaking mansion siya nang isang convicted drug lord na patuloy pa rin pala ang operation.

Her job is to infiltrate the place and get the blue book, all their transactions and suppliers are there. Iyon lamang ang kailangan niyang makuha then she's free to go.

Kung sana pwede na lang idaan sa batas ang pagretrieve noon kaso hindi eh, may kasabwat sa gobyerno yung drug lord... yun ang duda nila kaya hindi makuha kuha iyon.

Iyon ang mas magdidiin sa kaso at lalabas pa ang lahat ng kasabwat nito. Agad niyang nilabas ang spare key na nakuha niya sa isa sa mga gwardyang nagroronda at mabilis na binuksan ang pinto.

" Turn left, may makikita ka dyan na portrait. Its a painting of a greeny scenery. "

Nilibot niya nga ang kanyang paningin, bingo! Dahan dahan siyang lumapit sa portrait at tinitigan ito.

" What now? " Tanong niya sa guide niyang si Agent Lily.

" Dahan dahan mong ibaba, nasa likod niyan ang vault kung saan nakatago ang blue book. "

" Copy. "

Dahan dahan niya ngang binaba ang painting, isang vault ang bumungad sa kanyang paningin.

" Password? "

" 34789. "

Pinindot niya ang password, napangiti siya dahil kusa na iyong bumukas.

" Ang easy ng mission mo. " Agent Lily.

" Yeah. "

Inipit niya ang blue book sa tagiliran niya, pocket size lamang iyon at binuklat niya muna iyon para makasigurado.

" Nasa likod na ang motor. Pwede ka ng sumibat, after 10 seconds magshushutdown ang kuryente dyan. "

" Copy. "

Mabilis siyang kumilos at tinungo ang bintana, mababa lang naman ang kailangan niyang talunin, mga tatlong floors.

" Hoy bat ka dyan dadaan? " Nagtatakang tanong ni Agent Lily. Kaya nga nila pinatay ang kuryente para malaya itong makalakad sa hallway, wala naman kasi siyang dalang lubid man lang.

" I can manage. " Ngising ani ni Agent Rose.

Tumalon siya mula sa bintana, natawa pa nga siya ng magmura si Lily mula sa earpiece na suot niya.

She landed with a soft 'thud' at mabilis na inakyat ang bakod.

" Nasan yung motor? "

" Nasa gilid ng puno! walanghiya ka mamatay talaga ako sa nerbyos sa iyo. Padalos dalos! "

She just chuckled, mabilis niyang tinungo ang motor at pinaharurot iyon.

Pinatay niya na rin ang earpiece at mouth piece na suot niya then she hum her favorite song.

Mission accomplished.

-----

" Oy Rose! Pirmahan mo mamaya yung dala kong magazine na cover ka ireregalo ko sa pamangkin ko. Idol ka eh. " Bungad na ani sa kanya ni Agent Bud.

Beauty with a Gun.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon