Chapter 3

1.2K 38 8
                                        

" I think hindi ito ang huli nating pagkikita. "

Tinaasan niya ng kilay si Nathaniel, nasa hamba sila ng pintuan para ihatid ito paalis, buti na lang at aalis na ito. Napipikon siya sa mga banat nito at trip na trip na asarin siya.

At pwede ba, hindi nga sila magkaibigan. Stranger pa rin ang tingin niya dito although she's comfortable being with him.

" I think ito na ang huli, kaya umalis ka na mawalang galang. " Saka niya inirapan ang lalaki.

Nagkibit balikat lang ito saka tumalikod papuntang elevator, pagkasakay nito ay humarap pa ulit sa kanya at kumindat bago ito nagsara.

Napangiti tuloy siya, Ang kulit.

Sinara niya ang pinto at nilock na rin. Napatingin siya sa suot na ruby ring dahil nagiba ang shade ng kulay nito from red to purple.

Isa lang ang ibig sabihin nito, a mission.

Her ring is designed as an alert kapag may mission siya, hindi naman kasi oras oras ay hawak niya ang phone niya para matawagan siya. Lalong hindi siya nagsusuot ng listening device dahil nangangati ang tenga niya kaya kung wala rin naman siya sa mission eh wag na. Tinitignan niya na lang ang palasingsingan dahil nagvivibrate naman ito kapag may mission.

Pinindot niya ang ruby red stone na nasa gitna nito, lumubog ito ng kaunti ngunit bumalik din sa dati. Pagangat ay bumalik na ito sa dating kulay, it means na nakuha niya ang sinsabi nito at tinatanggap ang mission.

Agad siyang bumalik sa kwarto at hinubad ang suot na damit, naglakad siya papunta sa kanyang closet at humatak ng itim na sando, a leather jacket and pants. Tinali niya ang buhok into ponytail.

Dinampot niya ang susi ng motor na nasa study table saka lumabas ng kwarto. Pumunta naman siya sa sala at inangat ang malaking painting na nasa gitna ng salas, kinuha niya ang boots at isang holster na may nakasukbit na baril then she strap it to her waist.

Tumingin pa siya sa salamin then pose, now she's ready to go.

Dumaan siya sa fire exit pababa to avoid any scene dahil sa ayos niya. Tinanguan niya ang gwardya na nandoon, obviously aware at sanay na ito sa kanya. Dinahilan niya na may racing siya at ayaw ipaalam sa iba, buti na lang ay mabait ito at maunawain. Dahil dyan palagi itong may bonus sa kanya.

" Where's my baby? hmm. " Bulong niya sa sarili, she is pertaining to her motor. Nakalimutan niya kasi kung saan nakapark iyon ganung ang tagal na niyang nakatira sa condominium.

" Ayun Mam oh. " Turo ng kakuntyaba niyang guard sa gilid, napangiti siya ng malaki.

Nagsalute siya sa gwardya dahil sinundan pa pala talaga siya, kabisado na kasi talaga siya nito. Alam na agad na hahanapin nanaman niya iyon.

" Salamat kuya. " She said while grinning.

Tinakbo na niya ang motor saka sumakay doon, agad lumabas ang maliit na screen sa pagitan ng hawakan para sa password, yup its high tech. Ginawa talaga to para sa tanga sa direksyon na katulad niya.

Lalabas lang ang screen sa motor kapag nascan ang finger prints niya sa hawakan. Salute talaga siya kay Grey, and head ng technical and gadget department nila.

" Ano kaya ang mission ko. "

Pinindot niya ang mini screen na de-touch, agad lumabas ang mapa don.

Kontrolado na ni Agent Lily ang mga program na papasok dito, katulad ng mapa na ito. Alam niyang siya ang nagpadala non.

Sinunod niya lang ang direksyon na tinuturo sa mapa but making sure na hindi siya mababangga.

Beauty with a Gun.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon