Chapter 2

1K 35 1
                                    

" NASAAN ka ba? " Tanong ni Karlo over the phone.

Napakagat labi siya saka luminga linga sa paligid.

" Hindi ko alam. " Kinakabahang sagot.

There's one thing she's bad with --- Direction. Kaya nga kada mission my guide siyang program pauwi na nakainstall sa motorbike niya.

Ngayon nasa Sm Mall of Asia sila na sobrang laki, saka naman siya napahiwalay sa kapatid. Tumakbo kasi siya bigla nang may makakilala sa kanyang fans.

Ngayon mukhang ewan siyang nakatanghod sa mga taong dumadaan habang nakaupo sa bench. Inayos niya ang malaking sunglasses na suot maging ang maiksing bob cut hairdo wig niya. Maging ang pinagparkan nila ng kotse ay hindi niya maalala.

" Sabihin mo ang exact na location mo para mapuntahan kita, describe mo. "

" Ah, kita ko mula dito yung ferris wheel eh. Tapos maraming nakahilerang establishments at puno. Nasa tapat ako ng tom's world ata to. " Pagdedescribe niya, napangiti pa nga siya sa bawat dadaan na tumititig sa ayos niya.

Pano ba naman, gabi na pero nakashades pa rin siya... agaw pansin talaga.

" Alam ko na yan, wag kang aalis sa pwesto mo papunta na ako. " Saka ibinaba ni Karlo ang tawag.

Tinabi ni Andrea ang kanyang cellphone sa pouch niya. She sway her legs while patiently waiting for his brother.

" Ang tagal naman. " She murmured.

Napataas ang kilay niya dahil may kumpol ng lalaki sa harap niya ang nagbubulungan tapos biglang lilingon sa kanya.

Sigurado na siya ang pinaguusapan nito dahil siya lang naman ang nakaupo sa direksyong tinitignan ng mga to.

Ngumuso siya at hinayaan lang ang mga yun, lalo na nang lumapit ang isa sa kanila.

She immediately shut her mouth upon amazement, bakit parang hulog ng langit ang naglalakad papalapit sa kanya? Hindi niya napansin ito dahil natatakpan ng mga kasama.

He walks like a ramp model, bagay na bagay ang suot nitong simpleng polo shirt at fitted pants. Dumako ang tingin niya sa mukha nito, pointed nose, expressive eyes.. perfect!

Sanay na siyang makakita ng gwapo pero ngayon lang talaga siya napahanga ng ganito. Kinabahan tuloy siya, baka may ibang ibig sabihin ito.

Baka nakulam siya, yun ang nasa isip niya.

" Hi? " Medyo nahihiyang tanong ng lalaki sa kanya, kinamot pa nito ang batok in a boyish manner, Cute.

Tinignan niya lang ito at di sumagot, dapat hindi niya ipahalatang nakuha nito ang atensyon niya.

Kahit hindi siya nagsalita ay nagpatuloy pa rin ito sa sinasabi.

" Pinapatanong ng mga kaibigan ko kung bakit nakashades ka kahit hating gabi na, may sore eyes ka ba? o sadyang adik lang? " May bahid ng pangaasar na ang tono nito.

Kumibot kibot ang labi niya sa narinig, parang nangati tuloy ang kamao niya at gustong manuntok. Lumapit lang ba ito para itanong ang walang kwentang bagay na yon?

" As far as I know, this is a free country kaya wala kayong pake kung anong itsura ko. " May bahid ng inis na sagot niya, napatayo na rin siya sa pagkakaupo. Dun niya lang napansin na hanggang shoulder level lang siya nito, sa tangkad niyang 5'7?

He displayed a boyish grin, nagisang linya tuloy ang labi niya sa inis.

" Mukha ka kasing ewan dyan, concern citizen lang kami. " Alam niyang iniinis lang siya nito, dahil marahil sa inis hindi niya tuloy napagisipan ang biglang ginawa.

Beauty with a Gun.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon