"shane,shane!!" tawag ng isang tinig na kilalang kilala ko,tinig un ng pinakakamahal kong lola.
hindi ako ulila buhay pa ang mga magulang ko pero dahil bkasyon ko sa eskwelahan kya andito aq sa pangangalaga nila.mas malapit talaga ko sa lola ko kesa sa mga magulang ko,ewan ko ba.tinutulungan ko din sa palengke ang lola ko ,pero sa totoo lang mahiyain akong tao o mas mabuting sabihin na takot ako sa tao,bakit?di ko din alam.hehe
Bumangon na ko dahil kung hindi paniguradong maliligo ako sa higaan.
"bakit ba 'la?"tanong ko kahit alam ko na ang sagot
"bakit?,tanghali na po at kahit tae ng manok wala ka ng aabutan sa palengke"sagot nito habang nag aayos ng sarili.
"bakit la mai tinda bang tae sa palengke?"pilosopo kong sagot
"tumigil k jan shane maligo ka na at mag ayos,mauuna na ko sa palengke at sumunod ka n lang sakin don."paalam nito
PALENGKE
nkita ko si lola sa pwesto nya kausap ang customer ang kulit ng customer nya ,kuripot pa.
Yan ang problema sa mga buyer kala nila kasi ang laki ng tubo ng mga tindera sa paninda.maliit na nga ang tubo at pag nabulok pa ang prutas patay na,luging lugi na.
"la dito na ko"bati ko sa lola ko para malaman nyang dumating na ko
Pero dahil di nia ko pinansin naisipan ko na lng maglibot hindi naman kalakihan ang palengkeng ito pero ganito ang ginagawa ko pag naiinip ako.Minsan nga nagkukunwari pa kong masakit ang tyan ko para lang makauwi ng maaga.
Habang naglilibot aq napatigil ako dahil may nahagip ang aking mata,sigurado akong bago lang sya dito dahil ngayon ko lang nkita ang tulad nia.
Napakaganda nya,maputi,at ang mga mata nya ang ganda..para sa akin sya na ang pinakamagandang babae nakita ko sa palengke.
Habang tinitigan ko sya may lumapit sa kanya na babae,pero bakit ganon ano ung salita nila hindi ko maintindihan ..
Napansin ko na lang n umalis silang dalawa gusto ko sanang sundan pero nag alangan ako kaya bumalik na lang ako sa pwesto ng lola ko.
Gabi na pero bakit sya pa din ang naiisip ko,ang babaeng knina ko lang nkita .
gustong gusto ko ang mga mata nia pra kong natutunaw pag tinititigan yun.
"ano ba tong nangyayari sakin bakit sya p din ang naiisip ko,hays bukas ulit makita ko sana sya"sabi ko habang nagpapapadyak sa higaan ko.
______________
sorry ngayon lang nkapag update.Comment naman kayo kung binabasa nyo to..Kamsahamnida!!!!
BINABASA MO ANG
when i met you(lesbian story)
רומנטיקהpano ba mag move on sa taong di naman naging sayo pero malaki ang naging epekto sa buhay at pagkatao mo. Kwento ng isang lesbian na nagmahal ng tapat at nasaktan ng wagas. SANA PO AY SUPORTAHAN NIYO ANG KWENTONG ITO.