MBH.1

8 1 0
                                    

Hello kay MakabagongBabae dahil sayo na inspired ako sumulat dahil sa story niya na Reyna ng Kamalasan I don't know if you can still remember me na madalas mag comment sa story na yun. Just wanna let you know that I still admire you and your story 🎉❤️

--------------------------------------------
"Cheers Cheers! Ano ok ba tayo jan?!"

"Wooooah ok na ok tang ina!"

Tang ina ako ok na ok sa sobrang ok durog na durog ang puso ko letse. Agad agad tumulo ang luha aa aking mata. Ang hirap mag move on shet!

"Ok so for our 4th song tonight....ALUMNI HOMECOMING!"

Nag simulang mag palakpakan ang mga tao yung iba nasigaw at may natili.

"Uhm miss excuse me pwede maki upo?"

Sa sobrang focus ko sa Parokya ni Edgar e sumenyas lang ako ng "OK"

Napatunganga nung bigla kitang nakita
pagkalipas ng mahabang panahon.
highschool pa tayo nung una kang nakilala
at tandang tanda ko pa
noon pa may sobrang lupit mo na!
Di ko lang alam kung pano
basta biglang nagsama tayo.
di nagtagal ay napa-ibig mo ako.

Grabe favorite ko tong kanta nila na to e pano ba naman sa kantang to ma susumarize ko na ang love life ko nung hschool

Grabe kahit sobrang lakas ng palo ng drums, kahit mamamanhid ka sa lakas ng tugtugan at hiyawan ng tao iba pa rin yung sakit sa puso mo di pa din pala mapaoatay ng maingay na tugtugan

"Ahm miss ayos ka lang?"

Bwisit nakiupo na nga lang siya tapos nangengeelam pa

"Alam mo pwede ba wag ako ang pakielaman mo mab.... KARL?!"

"Teka ikaw ba yan? Claire?!"

Tang inang pag kakataon nga naman oh si Karl pa nga nakita ko.

Mula umaga, hanggang uwian natin
laging magkasama tayong dalawa
parang kahapon lang nangyari sakin ang lahat
tila isang dulang medyo romantiko ang banat!
Ngunit nang mapag-usapan,
bigla na lang nagkahiyaan
mula noon hindi na tayo nagpansinan!

Aba e diba kakasabi ko lang na Alumni Homecoming na kanta ng PNE ang summarization ng Hschool love life ko? Oh edi wow andito na yung Hschool crush/ old bestfriend ko

"The one and only, teka may kasama ka?"

Yung totoo yung mga naging tropa niya right after huli kaming mag pansinan nung Hschool e mga bully and FYI mga nang bubully sakin kaya mas lalong umiwas ako

"Nope ako lang, ikaw may kasama ka?"

Boom ang simple ng tanong pero ang sakit ang sarap sumigaw na SANA NGA MAY KASAMA KASO INIWAN AKO!

"Ahm wala ako lang"

Ayaw ko na ng kahit anong koneksyon sa ibang tao masakit pag na attached ka na e kaya kesa makipag daldalan at sayangin ang entrance ko e nakinig na lang ako sa PNE

Tinapos ko lang ang kantang Alumni Homecoming at umalis na mag 5am na kailangan ko na umuwi at may aayusin pa ko

"Hey Claire! Wait!"

Bullshit naman! Bakit kailangan ako habulin kairita. Well I have no choice kundi mag smile and go with the flow

"Oh Karl bakit?"

"Ah ano naiwan mo kasi tong Cellphone mo"

Hawak hawak nga niya yung iPhone ko aba naiwan ko na naman

"Uy salamat dito aa makakalimutin talaga ko e. Osige alis n ko a"

Bwisit sa gantong oanahon ko kailangan yung kotse ko malas lang coding

"Wait don't tell me commute ka lang?"

"Oh oo mag Taxi ako hanggang coastal terminal"

Nagulat ako ng bigla niya kong hatakin sa parking area

"It's already 4:30am and you think hahayaan kota mag taxi ng ganitong oras? Ihahatid na kita pareho naman tayong Cavite"

Hay salamat may mag hahatid sakin makakatipid ako.

"Ah osige baka nakakaabala ako aa"

Tumingin siya sakin at ngumiti at umiling

"Well if that's the case well di na ko aarte haha"

Sumakay na siya sa kotse naka Fortuner ang walanjo pero bago ko sumakay sa kotse niya kinuhanan ko muna ng picture yung labas ng 11Monkeys

Ang saya sana kasi napanood ko na ng live ang parokya pero iba pa din kung andito siya kung kasama at kayakap ko siya habang nanonood yung sabay kami kumakanta pero wala e para kong binato ng ref sa ulo at puso para gisingin ako na WALA NA SIYA INIWAN KA NA

"Here"

Nagulat ako ng inilahad ni Karl ang panyo niya sakin at dun ko lang na realize na tumutulo na naman yung luha ko

"Kanina pa kita nakikita na naiyak, di naman ganyan yung Claire na nakilala ko"

Yeah he's right di naman ako malungkutin before kasi ako talaga yung tawa ng tawa, maingay and very accommodating pero may mga bagay talaga na kailangan mag bago dahil di lahat permanente

"Salamat at pasensya ka na nadumihan pa tong panyo mo don't worry linisin ko saka ko ibabalik"

"Wala yun, small thing so you don't need to say sorry"

Tumingin na lang ako sa labas ng kotse niya at nanahimik.

"Ahm if you dont mind me asking bakit iyak ka ng iyak? Pero if ayaw mo sabihin ok lang ayoko pilitin ka"

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya at dahil waiting kami sa pila dito sa Toll Bridge e naka tingin din siya sakin

Bakit ganun kahit saan ako tumingin at kahit sino ang tignan ko lagi ko dinadasal na sana siya yung kaharap ko.... Pero impossible

"Ang hirap pala maiwan ng taong minahal mo ng 4 na taon yung taong kinasanayan mong kasama, kaaway at naging source of happiness mo.. Alam mo yung ilang buwan na ang nakalipad pero hanggang ngayon hinihiling ko pa din na sana panaginip lang to at pag gising ko anjan na siya naka ngiti at yayakapin ako"

Hindi ko na napigilan bumuhos na ang luha ko ewan ko ba siguro dahil sa alal nawala ang hiya ko at nasabi ko yun and the fact na umiyak o humagulgol na ko sa harap niya

"Claire..."

"Hahaha ang drama ko fuck sorry, nu ba yan after 7 years na di tayo nag kita at nag usap heto ko ngayon sa pinaka wated at pinaka basag na moment ng buhay ko"

"Naiintindihan kita and before naman ganito na tayo pero believe it or not ayokong nakikita kang ganyan and isa lang masasabi ko...pareho tayong basag... Basag na basag"

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang kamay niya

"Malalagpasan natin to yun nga lang matatagalan, hindi man ngayon o bukas pero dadating yung time na makakatakas tayo sa sakit na to"

Bumitaw ako at humarap sa bintana mag uumaga na pasikat na ang haring araw ang bagay na nag papaalala sakin na kahit anong gawin ko palagi na ako gigising na wala siya sa tabi ko.

My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon