MBH.2

8 1 0
                                    

alyloony hello po isa ko sa mga silent reader niyo :) and you never fail or amused your readers minsan nalalagpasan p yung expectations haha.

----------------------------------------------
Ang ganda ng paligid madaming tao ang naka upo sa tabing dagat nag tatawanan may nag hahabulan may mga mag kayakap na nag hihintay sa magandang pag lubog ng araw

"Baby, I love you"

Sabi sakin ng lalakeng naka upo sa likod ko at yakap yakap ako at gamit ang isa pang kamay ay marahan niyang hinahaplos ang buhok ko

"I love you too"

Sabi ko sa kanya at tinignan siya at ayan na naman ang ngiti na nag papaganda ng araw ko yung ngiti pa lang alam mo ng ikaw lang.

"Sorry, sorry kung kailangan kitang iwan"

Huh?! Ano?! Anong iwan?

"RB anong sinasabi mo? Wag ka nga mag biro ng ganyan! Naiiyak na ko"

Pinalo ko siya sa dibdib Pero hinawakan niya ang kamay ko at inilagay sa mukha niya sabay pumikit

"Mahal kita alam mo yan, gustuhin ko man na ako ang maka tuluyan mo sa altar alam ko impossible, gustuhin ko man na ako ang kasama mo bumuo ng pamilya pero di ko na magagawa, gusto kong ako ang makikita mo tuwing umaga yayakap at hahalik sayo at pero wala na kong lakas gawin yun"

Bumitaw siya sa pag kakahawak sakin at tumayo at kasabay sa pag lubog ng araw unti unti din ang kanyang pag lakad palayo sakin at kahit anong takbo di ko siya mahabol

"RB! Ano ba hindi to magandang biro!!"

Patuloy ko lang sinisigaw ang pangalan niya pero di ko talaga siya mahabol ang sakit ng puso ko ang sakit sakit nakakamatay hindi na ko maka hinga sa kakaiyak

"RB! Wag mo ko iwan! Bumalik ka pls!"

"Claire! Gising!"

"RB"

"Claire si Karl to nanaginip ka"

Napamulat ako tang ina nanaginip na naman ako ang sakit parang may naka saksak sa dibdib ko ayoko nito

"Claire ok ka lang ba? Binabangungot ka..shit kanina pa kita ginigising"

Di ko alam pero yumakap ako bigla kay Karl at ibinuhos ang walang kaubusan na galon galon ng luha.. Gano katagal na ba? 2 months? 2 months na kong naiyak at nag kukulong sa sarili kong mundo.

"Karl ang sakit, tang ina talaga ang sakit sana di na lang ako nagising ng matapos na to, gusto ko na lang mamatay"

Lalo lang humigpit ang yakap niya sakin at walang salitang namutawi sa bibig niya, salamat dahil ang kailangan ko ngayon ay balikat na maiiyakan at tenga na handang makinig sa mga ka emohan ko

"Hmmm fuck ang sakit ng ulo ko"

Nagising ako puta mukhang hang over to aa sakit ng ulo ko. Pag dilat ng mata ko medyo madilim ang kwarto pero halatang mainit na sa labas dahil sa sinag ng araw na natatakpan ng kurtina

"Teka asan ako? Oh ghad don't tell me nananaginip na naman ako?"

"Hahaha you're not, andito ka sa condo ko"

"Karl?!"

"Hahaha ako nga bakit parang gulat na gulat ka?"

"Eh sino bang di magugulat kung magigising ka sa kwarto ng lalake and anong oras na ba Karl?"

Putcha alam kong sugatan pa ang puso ko pero bakit ang bilis ng tibok ng puso ko pano ba naman isang lalake na sobrang gwapo at naka jogging pants plus sando lang at FYI naka apron pa ang gwapo diba

My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon